TYRONIA'S POV
"Umuwi na iyong iba?" tanong ko.
Tumabi ako kay Barney at siniksik ang sarili, sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Oo, may pupuntahan pa raw kasi sila," tugon ni MJ.
"Umusod ka naman doon, Barney. Nahuhulog na lalo ako sa iyo oh," seryoso kong sabi at tinuro ko pa ang inuupuan ko.
"Iba rin!" humahalakhak na sabi ni Bolt.
"Hayerp ka, Bes!" natatawang sabi ni Naomi.
"Tsk! Bakit ba kasi sa akin ka pa tumabi!" singhal ni Barney pero umusod naman siya.
Tss! Uusod din naman pala, ang dami pang arte!
"Eh mas gusto kita katabi," nakangisi kong sabi.
"Tsk! A-Ano ba! Ano ba! Usod ka nang usod! May gusto ka talaga sa akin no?!" Inis niyang tanong.
"Oo! Paki mo ba kung gusto kita? Edi gumanti ka, mahirap ba iyon? Tss!" singhal ko at inis na kinain ang sandwich.
Nagsitawanan naman ang mga tropa niya. "Iyon naman pala eh!" Sabi ni Dave.
"Gumanti ka raw, hoy!" Natatawang sabi ni Blaze.
"Yieee! Nakakakilig kayo!" Masayang sabi ni Rose.
"Iba pala magkagusto ang Tyra," napapailing na sabi ni Mj.
"Galing bumanat! Sana all!" Nakangusong sabi ni Chris.
"Namumula ka na, Dre!" mapang-asar na sabi ni Bolt.
Tiningnan ko naman si Barney at namumula nga ang mukha niya. Nagulat pa siya ng lumapit ako sa kaniya.
"A-Ano na naman ba!" sigaw niya.
"Sabihin mo sa akin kapag tapos ka ng kiligin dahil may sasabihin pa ako," seryoso kong sabi at inihipan pa ang mukha niya.
Bumungisngis ako nang punasan niya ang mukha gamit ang palad na para bang natalsikan ko siya ng laway.
"Ngayon ko lang nalaman na magaling kang bumanat, Bes," natutuwang sabi ni Naomi at siniko pa ako.
"Ano na, Repa! May nagpapakilig na rin pala sa iyo bukod sa pag-ihi!" komento ni Blaze.
"Tsk! Manahimik nga kayo!"
"Ano? Tapos ka na bang kiligin? Sasabihin ko na," sabi ko at tinitigan ang mukha niya.
"H-Huwag mo nga akong titigan! Ano ba kasi iyong s-sasabihin mo! Sabihin mo na lang!" nauutal niyang sabi.
"Sabihin mo na raw, Tyra... tapos na raw siyang kiligin," natatawang sabi ni MJ.
"May meeting daw ang basketball boys at girls sa gym mamaya sabi ni Coach, sinulatan ako," sabi ko.
"Bakit ka naman sinulatan?" takang sabi ni Naomi.
"Baka hindi tayo naabutan doon sa room at hindi tayo makita kanina," tugon ko.
"Makaluma talaga iyon si Coach!" Sabi ni Rose habang nanguya.
"Kumain muna tayo bago pumunta roon," suhestiyon ni Naomi.
"Mukhang overtime tayo ngayon ah, marami nang umuwi eh," nakangiwing sabi ni Bolt.
Kumain na muna kami habang nagkwentuhan, naghanda pa nga sina Bolt ng pang-cheer sa amin kaya tawang-tawa sina Rose dahil ang baduy daw. Kinakausap ko rin si Barney pero hindi niya ako pinapansin. Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na kaming dumiretso sa gym pero walang tao sa loob, tumingin pa kami sa kabilang court pero wala rin si Coach.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...