CHAPTER EIGHTY FIVE

293 31 38
                                    

ACE POV

Nang makarating ako sa bahay ay nakasalubong ko si Janice. Saglit pa siyang napatingin sa orasan bago ibalik ang paningin sa akin.

"Ang aga mo yatang umuwi ngayon, Hijo?" 

"Wala kasi kaming Teacher kaya maaga kaming pinauwi," pagsisinungaling ko.

Tatango-tango siya at kinuha ang bag ko, "Oh siya, kumain ka na muna ng tanghalian." 

Sa susunod na linggo pa ang uwi nina Dad at mamaya pa ang uwi ni Aevan. Sinabayan din ako ni Janice kumain at nagkwentuhan na rin kami. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para magbihis at magpahinga.

Natulala ako at inisip ang nangyari kanina, ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ng babae at kwarto pa ni Barney. Hindi ko na nagawang tingnan nang maayos dahil nandoon ang kapatid niya. Ang naalala ko lang ay malawak ang kwarto niya kumpara sa kwarto ko at may nakapalibot na pulang kurtina sa kama. 

Napangiti ako nang maalala ang treatment sa akin ng magulang niya, kulang na lang ay doon nila ako patulugin. Hindi pa man kami ni Barney ay ramdam kong tanggap nila ako para sa kaniya. 

Nadismaya ako sa sarili dahil sa nangyari, hindi sana siya magkakaganoon kung hindi dahil sa kapabayaan ko. Masyado akong nakampante at hindi napansin na iba na pala ang naibigay ko sa kaniya. Balak ko sanang araw-araw siyang bilhan ng pagkain na sigurado akong magugustuhan niya, pero baka mamaya ay kung ano na naman ang mangyari.

Kinuha ko ang cellphone ko nang maalalang kailangan kong i-chat si Naomi. Napangiwi ako dahil kailangan ko pa pala siyang bilhan ng tsokolate na gusto niya. Saglit akong natulala nang maalala si Bolt. Nakangiti kong hinanap ang pangalan niya bago mag-chat.

"Gusto mo si Naomi 'di ba? Ikaw na ang bumili ng tsokolateng pinapabili niya sa akin, oras na para palaguin mo ang nararamdaman niya," nakangiti kong sabi bago iyon i-send.

Pagkatapos ay pangalan naman ni Naomi ang hinanap ko. Naalala ko pa ang sinabi ni Barney na Bruha ang itawag ko sa kaniya kaya tatango-tango ako.

"Bruhang Naomi... inuwi ko na si Barney kasi masama ang pakiramdam niya. Hindi na rin ako papasok kasi wala si Barney kaya ikaw na ang bahala sa amin. Pakisabi na rin sa boyfriend mo, salamat."

Balak ko sanang i-chat si Barney pero hindi ko alam ang sasabihin. Wala rin akong magawa kaya nagpasya akong manuod ng pelikula. Nagtungo ako sa kwarto ni Aevan para kuhanin ang ilang DVD na hindi ko pa napapanuod. Nang makabalik ako sa kwarto ay tumunog ang cellphone ko. Inayos ko pa muna ang papanuorin ko bago tingnan kung sino ang nag-chat.

"Hoy, Barney! Anong Bruha? Saka wala akong boyfriend, psh! Pasalamat ka at wala ka rito kaya hindi kita mahampas! Akala ko pa naman ay nag-date kayo, sige ako na ang bahala. Ang tsokolate ko ha?!" Napangiwi ako sa reply niya. Hindi ko na siya nireplayan at binasa ang chat ni Bolt.

"Anong tsokolate ba iyon? Sinabi na rin niya sa akin ang nangyari, mabuti at wala kayo kasi kami ang tinutukso ngayon, bwahaha!"

Bahagya akong natawa sa chat niya, sigurado akong mababato na naman siya. Sinabi ko na rin sa kaniya ang tsokolateng gusto ni Naomi. Pagkatapos ay nanuod na ako ng pelikula. Nawili ako sa panunuod at hindi ko napansing hapon na.

Agad akong napatingin sa pinto ng bigla iyong bumukas at iniluwa si Aevan. Pinanliitan niya pa ako ng mga mata nang makita ang pelikulang pinapanuod ko. Padabog niya pang sinara ang pinto. Kamot-ulo akong nakatingin sa pinto na para bang iluluwa ulit siya roon. Mukhang nagalit siya dahil hindi ako nagpaalam. Maingat siya sa gamit at ayaw niyang ginagamit ng iba ang gamit niya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at pinagpatuloy ang panunuod. Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa si Aevan na may bitbit na popcorn at coke. Tiningnan ko pa siyang maglakad papunta sa kama ko, iniabot niya sa akin ang hawak niya at tumabi sa akin para manuod. 

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon