CHAPTER THIRTY SEVEN- INTERHIGH

344 41 101
                                    


ACE POV

Napalunok ako ng magdikit ang braso namin ni Tyra. Kasalukuyan kasi kaming kinukuhanan ngayon ng litrato.

"Yiee... thank you sa inyo, goodluck mamaya ha?" nakangiting sabi ng babae.

"A-Aah thanks," tugon ko.

Tsk! Hindi manlang nagsalita ang katabi ko!

"Hey, Ace! Over here!" Napatingin naman ako kay Yvonne. "Smile!"

"Tss!" Naibaling ko ang paningin kay Tyra nang marinig ang mahinang singhal niya.

"Good morning, everyone!"

"Good morning, Dean!"

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa niya kanina, hindi ko maiwasang matulala noong kinakantahan niya ako. Nagulat pa ako dahil inakbayan niya ako, hindi ko alam kung trip pa ba iyong ginagawa niya o totoo na. 

Basta naguguluhan pa rin ako sa kinikilos niya! Kakaiba rin ang titigan nila ni Yvonne kanina. Nayupi pa ang lagayan ng mogu-mogu niya kanina, ayaw kong mag-assume pero palagay ko ay nagalit siya dahil sa sinagot ko kanina kay Yvonne.

Tsk, pumayag lang naman ako dahil nakakahiyang tanggihan at baka mapahiya siya!

Ang mas kinagulat ko ay iyong kuhanin niya ang mineral water kong nainuman ko na at inumin sa harap namin...

Ibig sabihin first kiss ko siya? Tsk!

Masama pa kung makatingin si Naomi sa akin. Galit ba siya dahil kay Yvonne? Para sa akin ba iyong 'fuck you' na sinasabi niya kanina? Kahit na umuubo siya kunwari ay naiintindihan namin ang sinabi niya, tsk! Gusto ko sana siyang kausapin pero natatakot akong baka sigawan lang niya ako.

"First of all, I would like to thank the faculties, staffs and students for all of their enthusiasm, hard work and preparati—"

Hindi ko na pinagkaabalahang pakinggan ang sinasabi ng Dean dahil sa dami ng iniisip ko. Mayroon pang opening prayer at opening dance number ang HIUDT, halos mabingi pa ako sa sigawan at hiyawan ng mga estudyante. 

Sinindihan din nila ang torch... ibig sabihin ay umpisa na ang Inter-High. Pagkatapos noon ay pumunta kami sa field kung saan nakaparada ang bus namin, may sampung bus doon at puro itim ang kulay, may nakasabit pang tarpaulin sa harapan.

"Uy! Hula ko ito iyong bus natin," turo ni Bolt sa bus namin.

"Pakyu! Obvious ba? Tigers tayo, malamang ayan ang bus natin. Ang laki ng TIGERS na nakalagay oh!" singhal ni Dave at tinuro pa ang TIGERS na nakasulat sa tarpaulin.

"Katabi pala natin ang bus nina Tyra oh, ang astig talaga ng kanila ano? TITANS, bagay sa kanila," nakangiting sabi ni Blaze. Nagtaka ako dahil ang laki ng dala niyang bag.

"Bakit ang laki ng bag mo? Ano ka magbabakasyon?" tanong ko.

"Akala yata niya ay outing ang pupuntahan," humahalakhak na sabi ni Bolt.

"Kingina ka," natatawang sabi ni Steve at hinampas si Bolt. "Pakyu kayo! Malalaman niyo rin mamaya," nakangusong sabi ni Blaze.

"Ace! Jan na ako sa inyo sasabay?" tanong ni Yvonne.

"Ah sige, pwede naman," tugon ko at pilit na ngumiti.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon