TYRONIA'S POV
"Hoy! Kanina ka pa nakatulala riyan!"
Hindi ko siya pinansin at nakapalumbabang nakatingin sa red spider lily na nakalagay dito sa flower vase.
"Bes!"
Inis ko siyang tiningnan. "Ano ba?!"
"Kanina pa kaya kita kinakausap, psh!"
Oo at ang ingay ng bunganga mo, tss!
"May iniisip ako."
"Ano na naman iyan? Mag-ready ka na, baka iwan nila tayo!"
Ang aga-aga ang ingay.
"Hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit," walang ganang tugon ko.
Parang ayaw ko sumama, tss!
"Ito na nga tapos na, inayos ko na iyong gamit mo kaya maligo ka na mahal na reyna," nakangiwi niyang sabi habang may pinapasok sa bag ko.
"Ayaw kong sumama... ikaw na lang kaya? Sabihin mo masama ang pakiramdam ko o kaya nagtatae ako o kaya na aksidente o kaya na kidnap o kaya may date o kaya pumunta sa Japan," natataranta kong sabi bago tumungo sa lamesa.
Tss, ayaw ko talaga sa dagat.
"Ano ba! Huwag ka nang mag-inarte, pwede namang hindi ka lumangoy noh! Kasama mo naman ako, saka swimmer ito... duh! Wala kang makikitang kung ano roon dahil matatakot sila kapag lumangoy ako. Psh!"
"Baka hindi sila mag-enjoy dahil sa akin, kayo na lang at ikaw na ang bahalang magpalusot kina Coach. Magpapahinga na lang ako," seryoso kong sabi bago pumunta sa higaan at humiga.
"Aish! Bes naman eh, sumama ka na kasi! Ito na ang chance para palaguin mo ang nararamdaman mo para kay Barney, malay mo ay magustuhan ka na niya ngayon," sabi niya at sinilip pa ang mukha ko.
Palalaguin? Eh lumago na nga, tss!
"Tss, videocall na lang tayo mamaya. Ayaw ko talaga!"
Ngumuso siya. "Edi hahayaan mong bumida si Yvonne mamaya? Nako, mukhang magpapakitang gilas iyon mamaya dahil may ibubuga ang katawan niya! Beach pa naman ang pupuntahan natin at bagay na bagay sa kaniya dahil isa siyang bitch! Malamang ay aawra iyon sa Barney mo at lalo kang mahihirapang kuhanin ang Barney mo, sige ka!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Si Coach na rin ang nagsabi na pwedeng magsama ng kahit na sino at malamang sa alamang ay isasama ng Barney mo iyon! Akala ko ba ay payt lang nang payt hanggang magustuhan ka ng Barney mo? Hay nako, bahala ka riyan, tatawanan talaga kita ng hard kapag nalaman mong naging sila na sa lunes!"
Inis akong bumangon.
"Oo na bwiset! Ang dami mong sinabi! Daig mo pa ang pangulong nagsosona, punyeta!" sigaw ko bago maglakad papunta sa banyo.
"Psh, gusto rin naman. Gusto pang pilitin!"
Napapikit ako sa inis at padabog na sinara ang pinto ng banyo.
Bakit naman kasi beach pa ang napili ni Coach, pwede namang mag-camping na lang kami. Hindi ko rin ma-eenjoy dahil may Thalassophobia ako at hindi rin ako marunong lumangoy, saka takot akong malunod. Ang mas kinakatakot ko ay baka kung ano ang makita ko sa dagat. Marami akong nakikita sa facebook at youtube na mga sea monster, pati si Kraken ay ayaw kong makita.
Hindi ko maiwasang kilabutan kapag naaalala ko ang itsura nila, mas okay pa sa pool namin dahil may 4 ft kami kaya hindi ako malulunod doon at puti ang tiles. Hindi tulad sa dagat na itim na ang makikita mo sa ilalim. Nakakadiri pang tapakan iyong mga bato dahil madulas pati. Parang gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa dingding ng banyo at mahimatay.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Ação[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...