CHAPTER NINETY THREE

285 27 34
                                    


ACE POV

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang makilala nina Dad sina Barney. Hindi rin kami masyadong nakakalabas ni Barney nitong nakaraang buwan dahil sa dami ng project at asignment na kailangan naming tapusin. 

Kahit na abala kami sa mga gawain ay hindi nawalan ng oras si Barney kay Aevan. Wala siyang palya sa pag-eensayo sa kapatid ko at palagi silang inaabot ng gabi. Initindi ko na lang dahil para sa kapakanan din ni Aevan iyon. Mas sinusunod pa nga ni Aevan si Barney kaysa sa akin, masyado na silang naging close at daig pa ang magkapatid.

Naisipan kong dalhin siya sa tagaytay ngayon para makabawi sa ginawa sa kaniya ni Mom, pero may karera sina Naomi ngayon at niyaya niya akong manuod. Hindi ko rin akalain na kaya nang mangarera ni Aevan kaya nasasabik na akong mapanuod sila. Naroon din ang kaba ko dahil baka mamaya ay madisgrasya sila.

Bumalik ako sa reyalidad nang may kumatok. Binaling ko ang paningin sa may pinto dahil bumukas iyon at iniluwa ang ulo ni Aevan. "Kuya!" Masigla niyang tawag. 

Kung titingnan mo siya ay para lang kaming magka-edad pero mas matangkad nga lang ako nang kaunti sa kaniya. Iba na rin ang mga hilig niya ngayon dahil puro predator na. 

"Pababa na ako, mauna ka na sa baba." 

"Okay." Tiningnan niya pa saglit ang Barney na stuff toy bago isara ang pinto.

Sina Barney daw ang susundo sa amin ngayon at doon kami pupunta sa lugar kung saan sila nangangarera ni Naomi. 

Teka, paano nga pala kami manunuod nang maayos sa laban nina Aevan mamaya? Ang sabi kasi ni Barney ay makikita namin sila ng malapitan at sigurado raw siyang magugustuhan ko ang view. May drone ba siyang dala at papanuorin lang namin sa TV?

Nagkibit-balikat ako sa naisip bago kuhanin ang gamit at bumaba. Naabutan ko pa sina Dad sa sala at nanunuod ng pelikula. Wala pa naman sina Barney kaya tumabi ako kay Aevan at nakinuod. Napangiwi ako dahil 'Alien Vs. Predator' ang pinapanuod nila at sigurado akong kay Aevan galing ang DVD.

"Excited na ako! Kuhanan mo ako ng bidyo mamaya, Kuya!" Masayang sabi ni Aevan at marahang niyugyog ang balikat ko. 

Tumango ako at sumandal sa upuan, "Galingan mo mamaya."

Nangunot pa ang noo ko at napatingin kay Aevan dahil kanina pa siya may kinakapa sa bulsa niya. Pagkatapos ay nasapo niya ang noo bago tumayo. Patakbo pa siyang umakyat sa hagdan.

"Baka naman madisgrasya ang kapatid mo dahil sa karera na iyan. Malalagot talaga sa akin si Segunda kapag may nangyaring masama sa kapatid mo!" Banta sa akin ni Mom.

Nagpakawala ako ng mabigat na hangin bago tumugon. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo niya kay Barney. Dahil ba nagawa siyang sugatan? Siya rin naman ang may kasalanan non, tsk. Kung hindi niya sinugatan si Barney ay hindi naman siya gagantihan.

"Trust her, matagal na niyang tinuturuan si Aevan," tugon ko.

"Look... Hon, naging mature si Aevan dahil kay Segunda. Hindi ka ba masaya roon?" mahinahon na sabi ni Dad.

Tiningnan kami ni Mom at sinamaan ng tingin. Nasisiguro kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Dad dahil pinagtanggol niya pa si Barney. 

"Basta! Iba ang kutob ko sa babaeng iyon, hindi ko siya gusto!" 

"But she's my girlfriend," kunot-noo kong sabi.

Umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay, "Makakasagabal lang siya sa iyo at baka siya pa ang maging kahinaan mo. Ayaw ko ring mapahamak ka nang dahil sa kaniya. Hindi ko siya gusto tapos ang usapan!"

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon