ACE POV
Pagkauwi ko ay kinuha ko ang phone at binuksan ang Facebook. Kumunot ang noo ko dahil maraming notification at puro tag photos pa. Tiningnan ko iyon at umabot sa 76 photos ang lahat ng mga pictures nila kanina sa parking lot. Mayroon pa rito na nakatingin ako kay Tiburcio.
Pati ba naman ang blurred na picture ay inupload pa, tsk!
Nagpatuloy lang ako sa pagtingin hanggang sa makita ko ang picture nilang dalawa ni Bolt. Ang angas pa ng mukha ni Tiburcio rito. Dinownload ko ang picture na iyon at tiningnan sa gallery tsaka inedit. Tinanggal ko ang mukha ni Bolt kaya si Tiburcio na lang ang natira. Pagkatapos ay pinindot ko ang save.
Tinitigan ko lang siya nang mabuti at tinatanong ang sarili.
Bakit inis na inis ako sa taong ito?
Bigla akong kinilabutan. Sumakit bigla ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.
Tiningnan ko ulit ang picture. "Tsk! Bakit mo ba ako tinitingnan!" singhal ko. Inis kong nilagyan ng bigote at balbas ang mukha niya.
"Ayan! Mukha ka na talagang lalaki kaya hindi ako magkakagusto sa iyo, tsk!"
Hindi naman ganito ang naramdaman ko kay Yvonne kaya sigurado akong hindi ko siya gusto. Hindi totoo ang sinasabi ni Janice na the more you hate the more you love, tsk! Kalokohan! Kay Yvonne, lagi akong masaya kapag kasama siya pero kapag nakikita ko si Tiburcio ay nabubwiset na ako!
Nagpasya akong huwag siyang tingnan at pansinin ngayong araw. Mabilis akong kumilos dahil hihintayin ako ni Bolt sa parking lot.
"Good mood tayo ahh!" nakangiting sabi ni Bolt ng makarating ako sa parking.
Ngumiwi ako. "Tsk, kaya huwag mong sirain," tugon ko.
Pagdating namin sa room ay nakipag-usap pa siya kina Chris kaya nauna na akong umupo.
Kararating lang din nina Tiburcio at nagkatitigan pa kami. Ako na ang umiwas ng tingin. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko siya pinapansin. Natiis kong hindi siya lingunin kahit tinawanan niya ako nang mali ang naisagot ko kanina. Ilang beses pa niya akong binato ng papel at nagkunwari akong walang naramdaman.
Tanging si Bolt lang ang kumakausap sa kanila kanina. Natuwa ako dahil natapos ang klase na hindi manlang ako naiinis sa kaniya.
Nauna na ako sa tambayan namin sa canteen para kumain at kamalas-malasang nakita ko si Sophia. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ang braso ko.
"Ano ba! Noong isang araw ka pa ah!" bulyaw ko. Pinagtitinginan na kami at baka kung ano ang isipin nila.
"Baby! Hindi mo ba ako namiss?" malandi niyang sabi.
"Anong baby! Hindi mo ako baby! Umalis ka nga!" singhal ko at inalis ang kamay niya sa braso ko.
Nandoon na sila Blaze at nauna nang kumain. Buti at marami silang binili dahil nagugutom na rin ako. Kung sino kasi ang mauna sa tambayan ay sila ang bibili ng pagkain.
"Nasaan si Bolt?" tanong ni Dave. "Ay ayan na pala!"
"Hi boys!" Malanding sabi ni Sophia pero tiningnan lang siya nina Dave.
Talagang sumama pa siya sa akin, tsk!
"Ang aga mong lumandi ah!" Seryosong sabi ni Bolt.
"What?!" singhal ni Sophia. Sinamaan pa niya ng tingin si Bolt.
"Hapon na kaya!" Singit ni Blaze.
"Ang hapon mo lumandi ah!" pagtatama ni Bolt sa sinabi.
Abnormal, tsk!
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...