CHAPTER TWENTY FIVE

382 57 118
                                    

ACE POV

Pagkatapos kong pasalamatan si Naomi ay tiningnan ko ang Barney na binigay ni Tyra sa akin. Natawa na lang ako dahil hindi niya alam na siya iyong Barney na tinutukoy ni Naomi.

"Sabi ng babae kanina ay ang angas daw naming couple," mahina kong sabi. Pakiramdam ko ay nangangamatis ang mukha ko.

Kinuha ko ang unan saka itinakip sa mukha at nagpagulong-gulong sa higaan.

May gusto na nga yata talaga ako sa kaniya, tsk!

Alas-onse na pero hindi pa rin ako makatulog, tiningnan ko pa ang phone at pinagmasdan ang wallpaper ko.

"Goodnight, Barney!" sabi ko habang nakatingin sa picture ni Tyra.

Kinabukasan ay may narinig akong kalabog sa kwarto ko.

"Omg! Mom... Dad! Look oh! Barney!"

Bumalikwas ako ng bangon dahil narinig ko si Barney.

Agad namang hinanap ng mata ko si Barney at napasinghap dahil wala siya sa tabi ko. Patakbo akong lumabas at nakita ko si Aevan na hawak-hawak ang Barney ko tapos pinapakita pa kina Mom.

"Give it back, Aevan! She's mine!" singhal ko.

Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin.

"She? Barney's a girl?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Namilog pa ang bibig niya at tiningnan ang pwetan ni Barney para masigurong babae nga iyon. Hinablot ko naman iyon sa kaniya at pumasok ulit sa kwarto saka sinarado iyon.

Tsk! Bakit kasi hindi ka sumigaw! Alam mo na ngang kinidnap ka ng kapatid ko... at talagang sumama ka pa, tsk! Abnormal ka talaga!

Napabuntong-hininga ako at binalik ulit si Barney sa higaan saka tiningnan ang oras.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at binati si Blaze. Binilisan ko ang kilos dahil late na rin ako at inayos ang sarili. Iniwan ko na muna ang regalo ko kay Blaze dahil uuwi at magbibihis pa rin naman ako mamaya.

Pagkatapos ay nakita ko sina Mom sa baba at sinabing sa School na ako kakain. Nagmadali pa akong pumunta sa School.

Nakangiti kong pinagmasdan ang parking lot at hinanap ang motor o sasakyan nina Tyra.

Nandiyan na sila, hehe!

Pakiramdam ko ay ang ganda ng araw ko ngayon. Dumiretso ako sa room at kamalas-malasang nag-umpisa nang magturo ang Teacher. Nagpakawala muna ako ng hangin bago kumatok.

"Good morning, Teacher. Sorry po kung na late ako," kamot-ulo kong sabi.

"It's okay, Mr. Serrano. Kakaumpisa ko pa lang naman, maupo ka na," nakangiting tugon ni Teacher.

Nakita ko pa ang tatlo na nakapalumbabang nakatingin sa akin.

"Masyado kang masaya ngayon ah," nakangiting sabi ni Tyra.

Tinitigan pa ako ni Bolt nang mabuti at umiiling pa. "Iba ang glow mo ngayon, Dre!"

"Blooming ang Barney!" Mapanukso naman kung tumingin si Naomi.

"Manahimik na nga kayo. Makinig kayo kay Teacher," natatawa kong sabi.

Maraming pinagawa ang Teacher sa amin ngayong araw at pinag-groupings pa kami. Nasaktuhan namang nakagrupo ko si Tyra, magaling siya dahil napapasunod niya ang mga members namin kaya madali kaming natapos. Syempre, ako ang nag-report dahil wala naman akong naitulong sa kanila. Mabuti at okay ang ginawa namin at mataas ang nakuha naming grado.

Sa ibang subject naman ay pinag-drawing kami nang napakarami pero natapos naman namin lahat iyon. Mabuti na lang at nakakasagot ako sa recitation ngayon.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon