TYRONIA'S POV
Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng canteen ng magsalita si Blaze. "Saan ang punta natin?"
Saan nga ba?
Natigilan ako nang makapa ko ang susi sa bulsa ko.
"Marunong kang mag-drums 'di ba?"
Tumabingi pa ang ulo niya bago tumango. "Oo, bakit?"
"Tara!" Hinila ko siya papunta sa music hall.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya pero hindi ko siya tinugon.
Pumunta ako sa storage room ng music hall at kinuha ang beat box drum.
"Dalhin mo iyan, hihiramin natin," utos ko nang iabot ko sa kaniya
"S-Saan ba tayo pupunta?" Kabado niyang tanong.
Kinuha ko naman ang isang acoustic guitar. "Kakanta ako."
"Tara! Baka may makakita sa atin, bawal yata ilabas ito eh." Tumingin pa ako sa labas kung may tao. "Dali!" Iniwan ko siya at naunang tumakbo.
"Bwiset, para tayong magnanakaw!" natatawa niyang sabi.
Tumakbo kami papunta sa third floor at natigilan. Nanlaki ang mga mata ko dahil dadaan sa gawi namin ang Teacher sa music. Napasinghap ako nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Sinabi pa ni Blaze na doon kami magtago sa loob ng banyo kaya nagpunta kami roon. Sabay pa naming tiningnan ang Teacher na dumaan.
"Woooh! Muntik na tayong mahuli, mabuti na lang at may banyo rito," humahalakhak kong sabi pagkalagpas ng Teacher.
"Muntik ko na ngang mabitawan ang drum nang hilahin kita," natatawa niyang sabi.
"Tara na, baka may ibang Teacher pa na dumaan," sabi ko bago patakbong lumabas.
Puro tawanan kami ni Blaze hanggang makarating kami sa tapat ng broadcasting room.
"Grabe! Para tayong nasa marathon!" habol hininga niyang sabi.
"Hiningal ako!" bagsak ang balikat kong sabi.
"Pawis na pawis ka na nga eh." Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha ko.
"Akin na kyan, pawis ka na rin eh." Kinuha ko ang panyo at pinunasan ko rin ang mukha niya. Pagkatapos ay kinuha ko ang spare key at binuksan ang broadcasting room.
"B-Bakit may susi ka ng broadcasting room?"
Tumingin muna ako sa paligid at lumapit sa kaniya. "Dati akong magnanakaw at universal key ang hawak ko," bulong ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "T-Talaga?"
Tumango ako. Gusto kong matawa dahil naniniwala siya sa sinasabi ko. "Oo, kaya pumasok ka na."
Namangha siya at nilibot ang paningin pagkapasok namin sa loob. Mabuti na lang at malamig palagi rito sa loob.
"Wow! Ngayon lang ako nakapasok dito... teka, baka may pumasok at mapagalitan tayo," kabado niyang sabi.
"Isasarado ko ang pinto para walang makapasok, umupo ka na riyan," utos ko at tinuro ang upuan sa harap ng lamesa.
Inayos ko ang isang mikropono at tinapat sa kaniya, inayos ko rin ang isa pang mikropono at tinapat naman sa akin. Sinalpak ko na rin ang digital mixer para magamit ko.
"M-Marunong kang gumamit niyan?" Nakita niya kasi akong magbutingting.
"Mmm... kakantahan ko si Barney, nasa tambayan pa naman sila 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Action[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...