CHAPTER FIFTY THREE - OUTING

315 28 70
                                    

ACE POV

"Aayaw-ayaw ka pa kanina ha?" nakangisi niyang sabi.

Nagtaka pa ako sa sinabi niya. "Ayaw saan?" tanong ko.

"Ayaw mo pang uminom sa mango shake ko eh hinalikan mo na nga ako kanina, hindi ko nga lang naramdaman," nakanguso niyang sabi.

Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya, naiwas ko ang paningin at itinuon sa beer na hawak ko.

"H-Hindi halik iyong kanina, iba ang mouth to mouth resuscitation sa halik, tsk!"

"Hindi ko naramdaman iyong kanina, wala bang part two, Barney?" sabi niya at lumapit pa nang kaunti sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko, kahit ang pagtayo ng mga balahibo ko ay ramdam ko.

"A-Anong part two ang pinagsasabi mo!" singhal ko. Sasabog na yata ang puso ko at para akong mahihimatay.

Barney naman! Ang seryoso ng usapan kanina eh, tsk!

Bumungisngis siya at napaayos ng upo.  "Sige na nga, next time na lang at baka mangisay ka na sa kilig. Pulang-pula na ang mukha mo oh," sabi niya at tinuro pa ang mukha ko.

Hindi ako kinikilig Barney. Nahihiya ako sa sinasabi mo, tsk! Hindi ganoon kadaling gawin iyon!

"Lagi mo talaga akong tinitrip, tsk!" inis kong sabi.

"Ayaw mo talaga?" 

Nasapo ko ang noo ko dahil sa tanong niya. "A-Anong ayaw ba!"

"Na ulitin ang kiss... tinatanong kita... baka kasi nagbago na ang isip mo," nakangiti niyang sabi.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo Barney?! Ako ang nahihiya at ang init na ng mukha ko!

"Tsk! T-Tara na nga, anong oras na oh!" sabi ko bago tumayo.

Tumayo rin siya at masayang nakatingin sa akin. "Oras na para gawin ang part two, Barney." 

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya.

"A-Ano ba! T-Tigilan m-mo nga iyang p-part two na iyan!" nauutal kong sabi.

"Nagtatanong ka kasi ng oras eh, sinagot lang kita, Baby," malambing niyang sabi.

Napapalunok akong tumingin sa kaniya.

"A-Anong Baby! Hindi mo ako Baby! Tsk, tara na nga!" sabi ko at hinila ang kamay niya.

Tumalon ako sa malaking bato at hinintay siyang makatalon. Tumalon ulit ako pababa at inilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Sa napanuod ko sa mga pelikula ay dapat tatalon ako papunta sa iyo... sasaluhin mo naman ako at yayakapin... iikot tayo at sabay na mahuhulog sa buhangin tapos magkakatitigan at gagawin natin iyong part two, Barney," seryoso niyang sabi at may kasama pang hand gestures. 

Napaubo ako dahil sa layo nang narating ng imahinasyon niya.

Manyak ka na nga, adik ka pa sa halik!

"Abutin mo na lang ang kamay ko, tsk! Huwag ka nang mag-imagine! Bilisan mo na at baka umahon si Nessie at tangayin tayo!" 

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at agad na napatingin sa dagat. Nagulat ako ng bigla siyang tumalon papunta sa akin.

Taranta ko siyang sinalo...

Napayakap siya sa leeg ko at siniksik ang mukha niya roon. Napaatras pa ako at nawalan ng balanse.

Dumaing ako nang bumagsak kami. Nagtaka pa ako dahil malambot ang nabagsakan ng ulo ko, tiningnan ko iyon at kamay pala niya ang nabagsakan ko.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon