CHAPTER NINETY FOUR

322 42 75
                                    


ACE POV

Nagtaka ako dahil hindi siya nagmamadali ngayon. Tuwing may lakad kami at siya ang nagmamaneho ay wala pang kalahating minuto ay nandoon na kami. Ngayon ay inabot kami ng dalawang oras at hindi ko na nasaulo ang daan dahil ang dami niyang dinaanan.

Mayamaya ay nagtaka ako dahil kumanan siya sa isang exclusive village. Mukhang madalas siya rito dahil nakilala siya ng guard at pinapasok agad kami. 

"Barney, bakit nandito tayo? Akala ko racetrack ang pupuntahan natin?"

"Nandito kasi sa village na ito ang racetrack, Barney."

Namilog ang bibig ko at tatango-tango. "May kamag-anak ka ba rito? Pinapasok kasi agad tayo ng guard eh."

"Dito nakatira ang kapatid ni Naomi."

Si Jazz?

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. 

"Bakit sa inyo tumira si Naomi kung may bahay naman pala ang kapatid niya rito?" 

"Mmmm... minsan lang kasi umuwi ang kapatid niya rito. Mas gusto niyang tumira sa amin kasi malapit lang sa school."

Magsasalita na sana ako nang maagaw ng atensyon ko ang Red spider lily flower na nasa gilid ng bawat kalsada. Nakakamangha dahil wala ka nang makikitang ibang bulaklak kundi iyon lang. 

Saan ko nga ba nakita ang ganitong bulaklak?

Nangunot ang noo ko nang may makitang kakaiba. Pinakatitigan ko ang malaking wall na nakita ko na para bang may higanteng nakatira rito. Mayroon ding pulang ilaw na kumikislap sa itaas non. Parang may gubat pa roon dahil sa naglalakihang puno at iba't ibang klase ang mga iyon.

May factory ba rito?

Nakakapagtaka rin dahil wala akong nakikitang tao, malawak ang lugar at napakaganda. Wala rin akong nakikitang kalat sa paligid. Napakurap ako nang makaliko kami dahil bumungad sa amin ang isang malawak na field. Kamuntikan ko na rin itong pagkamalang paliparan. Kakatwang hanggang dito ay wala akong nakikitang tao.

Pinasok ni Barney ang kotse sa loob at huminto malapit sa starting line. Nilagpasan naman kami nina Naomi at Aevan at doon huminto sa mismong starting line.

"Nandito na tayo, Barney. Dito kami nangangarera ni Naomi, bali may siyam na likuan ito at pa-clockwise ang direksyon," paliwanag niya.

"Ang lawak dito, Barney. Bakit nga pala walang katao-tao rito?"

Bahagya siyang natawa bago ako tiningnan. "Ganito talaga rito, bilang lang kasi ang may alam na may ganito rito. Nakakalaban din namin ni Naomi ang may-ari ng village na ito at mahilig mangarera iyon kaya may race track dito."

Tatango-tango ako habang tumitingin sa paligid.

"Saglet, kakausapin ko sila."

Bubuksan na dapat niya ang pinto nang hawakan ko ang braso niya at hilahin siya palapit sa akin. Bumungisngis siya ng marahan ko siyang halikan sa labi. Umayos pa siya ng upo at tumugon na rin sa halik ko.

Hindi rin iyon nagtagal dahil tinapos ko na. Nakita ko pang magbago ang reaksyon niya at mukhang nabitin. Nanatili siyang nakatingin sa labi ko na para bang hinihintay akong halikan siya ulit.

"Bakit ang bilis? Isa pa, Barney," nakanguso niyang sabi at pinagpagan ang kwelyo ko.

"Mamaya na ulit, lumakad ka na roon, Barney."

Nagulat ako nang daklutin niya ang kwelyo ko at sunggaban ako ng halik.

Kailan nga ba siya nakuntento sa panandaliang halik?

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon