CHAPTER THIRTY THREE

354 44 105
                                    

ACE POV

Nang makapasok ako sa kwarto ay nakita ko si Tyra sa pinakadulo, mabuti at doon ako pinuwesto sa tabi niya. Nginitian ko pa ang Nurse na tumulong sa akin bago siya umalis.

Pinakiramdaman ko pa siya pero mukhang nakatulog na nga siya. Napapikit ako sa sakit nang umayos ako ng upo para matingnan siya.

Mabuti at wala pa sina Dave. Hindi ko kasi magagawa ito kapag nandito sila dahil paniguradong tutuksuhin na naman nila ako. May benda na siya sa noo pati na rin sa braso, may sugat din ang labi niya at namumula ang pisngi.

Masyado mo akong pinag-alala, ginulat, tinakot, pinamangha at pinaiyak ngayon, tsk!

"Tsk! Sa iyo lang ako umiyak, isa kang abnormal!" mahina kong sabi at inambaan siya.

Mayamaya ay na paayos ako ng upo dahil bumukas ang pinto.

"He-"

Pinandilatan ko ng mata si Blaze pagkapasok niya.

Inilagay ko ang hintuturo sa bibig at tinuro si Tyra, sumenyas pa ako na natutulog siya. Tinakpan naman niya ang bibig at nag-peace sign.

Natawa pa ang Nurse sa amin at dinala siya sa tabi ko, anim ang hospital bed na nandito at mayroon pang tatlong bakante sa harap namin. Nakipag-fist bump pa si Blaze sa akin nang makaupo siya sa higaan, hindi rin kami makapag-usap at baka magising namin si Tyra.

Mayamaya ay bumukas ulit ang pinto at niluwa si Dave.

"Nandi-"

Nagtaka siya nang pandilatan namin siya ng mata. Sumenyas naman kami sa kaniya na natutulog si Tyra, namilog pa ang bibig niya at tatango-tango.

Pinuwesto siya sa tapat ni Blaze at tiningnan si Tyra bago kami tingnan at ngitian.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil inaasar niya ako, tinuro niya si Tyra at tinuro rin ako saka pinagdikit ang mga daliri at gumawa ng heart shape. Inis ko ring tiningnan si Blaze dahil tumatawa nang walang tunog.

Parang mga tanga, tsk!

Mayamaya ay dumating na si Bolt.

"Oh?!"

Nasapo ko ang noo dahil ang lakas ng boses niya. Sinenyasan pa siya nina Dave pero hindi niya na-gets iyon.

"Hello housemates! Bwahahahaha!"

Inis kong kinuha ang unan ko at agad na binato sa mukha niya. "A-Ano ba! Mapanaket ka ah!"

Sumenyas si Blaze sa kaniya at tinuro si Tyra, namilog pa ang bibig niya at tumingin kay Tyra.

Binato pa rin siya ni Blaze ng unan, napakamot siya sa ulo at nagtakip ng bibig. Pinuwesto naman siya sa tabi ni Dave. Bahagya akong natawa dahil binato rin siya ni Dave ng unan.

Gumanti siya kay Dave at nagbatuhan na sila ng unan. Tawa sila nang tawa ng hindi nakakagawa ng ingay.

Hindi talaga kami nag-ingay at puro hand gestures lang ang ginagawa, pinakita pa nila ang hita nilang kulay talong at umiiyak pa kunwari dahil masakit daw.

Mayamaya ay napatingin kami sa pinto nang iluwa si Naomi, may dala-dala siyang mga pagkain at may nakasabit pang jacket sa balikat niya.

"SURPRISE MOTHERFUCKERS!" Nagitla kami nang sumigaw siya.

Sinenyasan namin siyang huwag mag-ingay dahil natutulog si Tyra, napahinto pa siya sa paglalakad at tinaasan kami ng kilay bago tingnan si Tyra.

Siniringan niya kami bago pumunta dulo, kumunot ang noo ko dahil naglabas siya ng Chicken at itinapat sa ilong ni Tyra.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon