CHAPTER SIXTY

315 25 43
                                    

TYRONIA'S POV

Umalingawngaw ang sinabi ni Blaze sa pandinig ko. Napalunok ako at hindi ko alam ang sasabihin, bigla akong pinagpawisan at parang tinanggal ang lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita.

"W-Wow! Ikaw pala ang lider doon, Barney."

Napatingin ako kay Naomi nang sabihin niya iyon, sinipa niya pa ang sapatos ko... senyales na huwag akong magpahalata.

"A-Akala ko... si Bolt, siya kasi ang nag-recruit sa amin," mahina kong sabi.

"Isa siya sa pinakamataas na ranggo," tugon ni Ace.

Natulala ako at bigla kong naalala ang mga ganap nong gabing iyon. Hindi ko akalain na anak siya ni Tracy. Kilalang-kilala ko si Tracy dahil pangalawa siya sa kinakatakutan na lider nong panahon nila.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit si Helen ang nangunguna sa listahan ng mga kinakatakukan na lider.  Hindi ko pa siya nakikitang magalit, palagi siyang nakangiti at hindi makabasag pinggan kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakukumbinsi.

Kapag may misyon kami ay nakakasama namin ang organisasyon nila dahil sila ang matalik na kaibigan ng organisasyon namin. Sina Tracy lang ang nakita ko non dahil hindi sila nagtatanggal ng mask.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at nagpakawala ng mabigat na hangin. Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko at bigla akong nanghina.

Pinagmasdan ko pa ang mukha ni Barney at napangiwi dahil hindi niya kamukha si Jenny. "G-Ganoon ba?" Iyon lang ang naitugon ko.

"So ano? Sali kayo ha," baling ni Bolt sa amin.

Kinagat-kagat ko ang labi ko at nanatiling nakatingin kina Bolt.

Sigurado akong magagalit kayo sa akin at baka lagutan niyo na ako ng hininga ngayon din kapag nalaman niyo kung sino ako.

"Hindi ka naman papayag kung aayaw kami eh, may choice pa ba kami?" Si Naomi ang tumugon.

Okay na rin sigurong sumali kami para mabantayan din namin sila, mas mapapadali rin ang paghahanap namin kay Jiro dahil kaalyado na nila iyon ngayon.

"Oo, wala na kayong no choice," natatawang sabi ni Dave.

"Sige... payag ako," seryoso kong sabi bago tumingin kay Naomi. Tinitigan niya pa ako bago ibaling ang paningin kina Bolt.

"Ako rin." 

"Yown!"

Sinabi pa nilang kailangan naming dumaan sa initiation test dahil isa iyon sa tradisyon ng Gang. Kapag hindi raw kami nakapasa sa test ay mabibilang kami sa mababang ranggo, pero kapag nakapasa ay makakasama kami sa mga misyon at mapapabilang sa mataas na ranggo tulad nina Bolt.

"Ah okay... may ganoon pa pala," nakangiwing sabi ni Naomi na para bang hindi niya talaga alam na may ganoon sa mga Gang.

May mga armas din daw kaming makikita roon pero hindi pwedeng gamitin kapag initiation test. Sinabi pa nilang tuturuan nila kaming gumamit ng iba't ibang klase ng armas kapag nakapasa kami.

"Sino nga pala ang makakalaban namin?" Tanong ko.

Napangiti ako dahil baka si Tracy ang makakalaban namin. Ngayon pa lang ay nasasabik na akong makalaban ulit siya.

"Si Yvonne," sabay-sabay nilang sabi.

Umawang ang labi ko at nahugot ang hininga.

"What?!" Sigaw namin ni Naomi.

Punyetang iyan! Akalain mong marunong din pa lang makipagsapakan ang girlfriend mo, Barney. Kaya pala ganoon na lang siya kung magmaldita sa akin, tss.

"Kasali sa organisayon si Yvonne," nakangiting sabi ni Bolt habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon