ACE POV
Alas sais nang umaga ako nagising at nag-ehersisyo na rin muna ako bago naligo. Isang oras lang ang tinagal ko sa banyo dahil gusto ko ng palitan si Blaze sa pagbabantay, nagmadali pa akong magbihis at lumabas ng kwarto.
Nagbigay galang sa akin ang mga tauhan ko at tauhan ni Jiro ng makita ako.
Nang makarating ay kumatok muna ako bago buksan ang kwarto ni Barney, kumunot agad ang noo ko ng makita si Blaze na nakayuko at mukhang tulog pa saka hawak-hawak ang kamay ni Barney.
"Blaze," tawag ko pero hindi siya nagising. Tinapik ko pa ang balikat niya ng tatlong beses.
"Mmmmm."
Nainis ako nang ilagay niya pa ang kamay ni Barney sa pisngi niya.
Talagang! Kota ka na! Ako naman! Bwiset!
"Blaze!" Sigaw ko at niyugyog siya.
"T-Titania?" Bumalikwas siya ng bangon at agad na tumingin kay Barney.
"Tsk! Magpahinga ka ng maayos, ako na ang magbabantay sa kaniya," seryoso kong sabi.
Kunot-noo niya akong tiningnan at parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Gulo-gulo pa ang buhok niya at hawak pa rin ang kamay ni Barney.
Nagpakawala siya ng mabigat na hangin at parang ayaw niya pang umalis, saglit siyang tumingin kay Barney bago tumayo.
Naikuyom ko ang kamao dahil hinalikan niya pa ang kamay ni Barney. "Babalik ako mamaya," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
Hindi ko siya sinagot at hinintay siyang isara ang pinto. Inis naman akong bumaling kay Barney at padabog na umupo sa upuan.
"Bakit mo hinayaang halikan ka niya?! Kahit kailan ka talaga!" Inis kong sabi at inambaan siya.
Kumuha ako ng towel at nilagyan ko iyon ng alcohol. Kinuha ko rin ang kamay niya at pinunasan ang parte kung saan siya hinalikan ni Blaze, kinuskos ko pa talaga iyon para malinis.
"Nag-enjoy ka ba ha? Kasi siya ang nagbantay sa iyo?! Tsk! At ano pa ang sabi niya kanina? Babalik siya mamaya? Ano siya, boyfriend mo?! Hindi mo pa nga alam na liligawan ka niya. . . kung umasta siya ay parang boyfriend na!" Singhal ko.
Muli akong nagpakawala ng hangin at pinakatitigan ang mukha niya. Maganda pa rin siya kahit na namumutla.
"Gumising ka na para makakain ka na, dahil ikaw na ang bagong Segunda (Two) ay bibilhan kita ng kahit na anong pagkain na gusto mo at para sa iyo lang iyon dahil matakaw ka! Tsk! Ilang bulate ba ang pinatira mo riyan sa tiyan mo at ganoon ka katakaw?" Tanong ko at tinuro pa ang tiyan niya.
Naaliw akong tingnan siya, hinilot-hilot ko pa ang kamay niya at pinisil ang dulo ng palad niya. Namilog ang bibig ko ng may lumabas na dalawang bilog na magkadikit roon.
"Oh? May dalawang bilog na magkadikit! Ang sabi nila, kung ilan daw ang bilog na lumabas dito ay iyon daw ang magiging baby mo. Magkadikit to at baka kambal ang magiging anak mo, tsk!" Nakangusong sabi ko.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang nakatingin lang sa mukha niya. Napatingin pa ako sa dextrose at mauubos na iyon, napakamot ako sa batok at sinimangutan siya.
"Sa sobrang takaw mo, pati ang dextrose ay nauubos mo kaagad! Ganiyan ka katakaw, Barney! Bahala ka riyan! Mamaya ka pa kakain ulit pagkadating ni Elias kaya tiisin mo ang gutom mo, tsk!" Singhal ko.
Hindi ako na-boring kasama siya, ang dami ko na ring nasabi sa kaniya at napapagalitan ko pa. Lumaylay ang balikat ko dahil hindi manlang siya nagising, akala ko pa naman ay gigising na siya dahil ako ang nagbantay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing Trilogy Book I: Chasing Him
Acţiune[Completed] There is a saying that people fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time. Tyronia is the new Leader of Japan's biggest organization. She's been broken ever since Zachary died, but everything has changed ever...