CHAPTER FIFTY - OUTING

314 29 53
                                    

TYRONIA'S POV

Sinuot ko muna iyong plastic gloves at kumuha ng ulam para bigyan si Barney kaso naunahan ako ni Yvonne kaya inis kong kinagat ang Manok. Tumingin din ako sa plato nina Blaze at paubos na rin ang ulam nila kaya tumayo ako saka kumuha ng Lumpia at Manok para ilagay sa plato nila, pati sina Rose ay nilagyan ko rin.

"Bakit ako walang Chicken?" nakangusong sabi ni Naomi.

"Nagselos na," natatawang sabi ni Steve.

"Akala ko kasi ay busog ka na," natatawa kong sabi.

Sinamaan niya pa ako ng tingin. "Nakagugutom ang ginawa ko kanina kaya bigyan mo rin ako!" singhal niya.

"Eto na po mahal na prinsesa," natatawa kong sabi.

"Magaling mag-alaga to si Titania." Napangisi naman ako sa sinabi ni Blaze.

"May nag-aalaga na kasi sa Barney ko kaya kayo na lang ang inaalagaan ko," makahulugan kong sabi.

Napatingin ako kay Ace dahil nasamid siya. Taranta kong kinuha ang pitsel ng tubig at sinalinan siya sa baso. Tinawanan pa siya nina Bolt.

"Kaya pala," naiiling na sabi ni Chris.

"Ano Repa, buhay pa?" natatawang tanong ni Blaze. 

"He—"

"Ace oh!" 

Aabutan ko na dapat ng tubig si Barney pero naunahan ako ni Yvonne. Naiwan tuloy sa ere ang kamay kong may hawak na tubig.

Nakatingin pa sila sa akin pwera kina Ace at Yvonne.

"Heto sa akin," sabi ko at inis na ininom ang tubig.

Nagtawanan naman sila sa inasta ko. "Iba rin ang isang ito."

"Ang bagal kasing kumilos," pang-asar na sabi ni Naomi.

"Better luck next time, Captain," natatawang sabi ni Mio.

Napapailing akong umupo.

"Who's Barney?" Biglang tanong ni Yvonne at tumingin sa akin.

Hindi niya pala alam na favorite ni Ace si Barney.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba. Biglang tinaas ni Naomi ang kamay niya.

"Ako bakit?" mataray niyang sabi habang nasa bibig ang Chicken.

"Ah nothing," tugon ni Yvonne.

Lalo namang nagsitawanan sina Bolt.

"Hay nako, Barney," si Dave.

"Laro tayo mamayang hapon ah!" masayang sabi ni Bolt.

"Bet ko iyan!" pagsang-ayon ni Rose.

"Hanap na kayo ng partner niyong lalaki, bawal ang same gender!"

Ano naman ang lalaruin?

"Mamaya na kapag wala ng init, mga alas kuatro," suhestiyon ni Mio.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon