CHAPTER NINETY FIVE

292 28 28
                                    

AEVAN'S POV

Maaga akong nagising pero hindi pa rin ako bumabangon at nanatiling nakatingin sa kisame, dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang mag-race kami ni Ate Naomi.

Bugbog ang katawan ko kahapon dahil nag-ensayo kami ni Ate Tyra, kahit anong gawin ko ay hindi ko siya matalo. Alam kong pinagbibigyan lang niya ako dati kaya ko siya napapatumba, pero kahit na ganoon ay ininda ko ang sakit sa katawan ko dahil gusto ko talagang matuto. Iniidolo ko rin si Ate Tyra at gusto kong gawin ang mga ginagawa niya.

Bumangon na ako at nag-ehersisyo muna saka pumunta sa banyo para magsepilyo, sa tuwing nakikita ko ang tsinelas kong Blastoise ay naaalala ko si Ate. Ang swerte rin ni Kuya dahil girlfriend niya si Ate.

Matapos kong magsepilyo ay dumiretso ako sa kwarto ni Kuya para tingnan kung gising na siya pero tulog na tulog pa rin siya at yakap-yakap ang malaking Dragon na stufftoy. Hindi ko na siya ginising dahil masyado pang maaga kaya dumiretso na ako sa baba para mag-agahan.

"Ang aga mo yatang nagising, Son?" Nilingon ko si Dad na mukhang kagigising lang.

"Lagi naman akong maaga kung gumising, Dad," tugon ko.

Sinabayan niya akong kumain. Natuwa ako dahil si Ate Tyra ang pinag-uusapan namin, kinukwento ko pa sa kaniya kung paano ako natutong mag-motor. Naalala ko pa nang turuan ako ni Ate Tyra na makipaglaban habang nagmamaneho ng motor. Nagulat pa ako noon dahil bigla niya akong inatake kaya tumilapon ako at kamuntikan nang mabalian ng buto, ilang beses pa akong nagpagewang-gewang dahil nasisipa ako ni Ate Tyra sa motor.

Tiniis ko ang mga sugat at pasa ko sa katawan dahil hindi raw ako matututo kapag wala ako non, kahit hindi na kaya ng katawan ko ay bumabangon pa rin ako. Mabuti na lang at naiintindihan ni Kuya kapag nagkakaroon ako ng sugat at pasa sa katawan, may tiwala siya kay Ate Tyra at para din sa akin ang ginagawa namin.

Pagkatapos kong mag-agahan ay bumalik na ako sa kwarto at nagpahinga, kinapa ko ang recorder sa bulsa at kinuha iyon. Kahit matulog ako ay nasa bulsa ko palagi ito, simula nang ibigay sa akin ni Ate Tyra ito ay lagi na akong nagsusuot ng short na may bulsa kahit matutulog.

Noong una ay kinabahan at natakot ako sa mga sinasabi niya, ilang araw akong hindi makatulog at hindi makapag-concentrate sa School tapos gusto ko pang lagi akong may kasama kapag lalabas.

Pero nagising ako nang isang araw at napagtanto kong wala akong mararating kung palagi akong natatakot kaya nagpursigi akong mag-ensayo. Biglang nawala ang interes ko sa mga pokemon dahil gusto ko na ang mga gusto ni Ate Tyra. Iyong helmet nga na niregalo sa akin ni Ate ay araw-araw kong nililinis at ayaw kong maalikabukan.

Dumako ang paningin ko sa malaking wall clock sa harapan nang higaan ko, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras. Bumalikwas ako nang bangon at nilapag muna ang recorder sa lamesa saka ni-lock ang pinto bago pumunta sa banyo.

Ang bilis naman yata nang oras, tss!

Napabuga ako ng hangin at binilisan ang kilos.

"Kapag may nangyaring masama sa iyo ay gawin mo ang pinapagawa ko, Aevan. Kapag kaya mo ang kalaban ay lumaban ka pero kapag nasa panganib na ang buhay mo ay hayaan mo silang tamaan ka at magtulog-tulugan, makinig ka rin sa mga sinasabi nila. Huwag kang mag-alala dahil pupuntahan ka kaagad ng matalik kong kaibigan para iligtas ka. Kapag natapos ang araw na iyon ay gusto kong magpagaling ka muna at maghintay nang dalawang buwan bago mo ibigay ito sa kuya mo."

Naisip ko na naman ang sinabi sa akin ni Ate Tyra noong nasa cliff kami.

Bakit kailangan ko pang maghintay nang dalawang buwan bago ko ibigay kay Kuya? Ayon ay kung may mangyayari nga sa akin, saka... bakit ako ang magbibigay kay Kuya kung pwede namang siya na lang, tutal ay boyfriend niya si Kuya.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon