CHAPTER SIXTEEN

366 56 106
                                    

TYRONIA'S POV

Tumabi ako nang marinig ang malakas na busina at baka matalsikan na naman ako ng tubig. Binusinahan pa rin ako kaya inis kong tiningnan iyon.

"Ate! Come here!" 

Napangiti ako ng makita si Aevan kaya patakbo akong pumunta sa kanila.

"Hello, Aevan!"

"Anong trip iyan! Bakit ka naglalakad? Umuulan oh, baliw ka na ba?" singhal ni Ace.

Akala ba niya ay hindi ko alam na umuulan? Tss!

"Baliw agad? Hindi ba pwedeng minamalas lang ako ngayon!" singhal ko rin.

"Nasaan ba ang sasakyan mo?"

"Na-flatan ako." Tinaas ko pa ang helmet para makita niya.

"Pasok, Ate! Ihahatid ka namin ni Kuya."

"Naku huwag na... basang-basa kasi ako, mababasa ang kotse ng Kuya mo. Salamat na lang, mauna na ako ha?" sabi ko bago magpatuloy sa paglalakad.

"Huwag ka nang mag-inarte, pumasok ka na rito!" sigaw ni Ace.

Bumuga ako ng hangin at napilitang pumasok saka umupo sa backseat.

"S-Salamat," sinsero kong sabi. "Pasensya na, nabasa ko ang upuan," dagdag ko.

"Don't worry, Ate! Kuya won't mind," nakangiting sabi ni Aevan.

"Bakit ngayon pa lang kayo uuwi?" tanong ko kay Ace pero hindi niya ako sinagot. Nilalamig na ako at ang lakas pa ng aircon. 

"I'm hungry na kanina kaya kumain muna kami," si Aevan ang tumugon.

Nakaramdam ako nang hiya ng patayin ni Ace ang aircon.

Ako na nga ang nakisakay, sila pa ang nag-adjust sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang tumunog ng malakas ang tiyan ko.

"What's that noise?" kunot-noong tanong ni Aevan. Lumapit pa siya sa Kuya niya at parang may inaamoy.

"Sorry daw sabi ng tiyan ko," kamot-ulo kong sabi.

"Oh, it's your tummy! Akala ko ay umutot si Kuya," seryosong sabi ni Aevan kaya bahagya akong natawa.

"Tsk, shut up," inis na sabi ni Ace. "Kuhanin mo ang paper bag diyan sa tabi mo," utos niya sa akin. Hinanap ko naman ang paperbag na nakatago pala sa ilalim ng unan.

"Ito?" tanong ko at inamoy ko pa.

Amoy pagkain, nagugutom na talaga ako.

"Kainin mo."

Napatingin ako sa rear mirror at sakto namang nakatingin din siya sa akin.

"Ubusin mo iyan."

Bakit biglang bumait ito? Teka, baka may lason ito, tss.

"Aah salamat," tugon ko. 

Natakam ako dahil may family size spaghetti at may dalawang chicken.

"Wow, Ate! You are so gutom!" 

"Napagod ako kanina sa date natin eh," nakangiti kong tugon. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya inikot ko ang spaghetti sa tinidor at nilapit sa kaniya iyon. Napangiti ako dahil kinain niya iyon.

"Thamk yu, Ate." 

Sinusubuan ko lang siya hanggang sa maubos namin ang pagkain. Pagkatapos ay niligpit ko ang kinainan ko at binalik sa paper bag. Napakurap pa ako ng iabot sa akin ni Ace ang tubig. Kinuha ko na iyon at baka sabihin niyang nag-iinarte na naman ako.

Chasing Trilogy Book I: Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon