𝕾𝖚𝖗𝖕𝖗𝖎𝖘𝖊𝖘
"Here you go miss" the lady in the jewelry shop handed me the necklace I bought. It was customized and I am planning on giving this to Ulysses as a birthday gift even though his birthday was already days late.
Bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko na bigyan siya ng regalo as soon as possible? Tss. Masyado kasi akong nastress sa mismong birthday niya which is the same day as his 'fake wedding' kaya hindi talaga ako naghanda para doon.
This is the first time na bibigyan ko si Ulysses ng regalo, sana magustuhan niya. Knowing na kahit ano naman ay kaya niyang bilhin, hindi rin naman ako marunong gumawa ng DIY gift kaya naisipan ko nalang magpagawa.
Today is Sunday, pero kinailangan pumunta ni Ulysses sa company nila because his father asked him to. Kaya mag isa akong naiwan sa mansion ng mga Del Real, I was bored kaya bigla ko naisipan na lumabas para bilhan ng regalo si Ulysses.
Dumaan na rin ako sa mansion namin para kumustahin kung nandoon ba sina papa at kuya but Bethany said they are at work. Hayy nako. Mag ama nga talaga ang dalawang yon. Parehong napaka workaholic.
I even actually said na sa mga Del Real ako tumutuloy while I am staying at England pero ang sagot nila pareho sakin ay "Good" sabay kibit balikat na tila isang normal na bagay lang yon. Tsk.
Kaya in the end, naisipan ko nalang ubusin ang oras ko dito sa mall mag isa. This is actually my first time going alone pero ano pa bang magagawa ko? umuwi na ang iba naming kasama sa Pinas, yung iba naman sa iba't ibang bansa dahil may kanya kanya silang business. Ako lang yata ang bukod tanging walang ginagawa. Hayy.
Umupo muna ako sa isa sa mga benches at nagpahinga habang tinitingnan ang mga taong dumadaan. Pakiramdam ko tuloy mas madali akong mapagod dahil wala akong kausap, hindi ko naman maenjoy ang paglilibot dahil nga wala akong kasama.
Matapos ko bilhin ang sinadya ko dito, naisipan ko nalang na maggrocery ng kaunti at balak ko isurprise si Ulysses mamayang dinner. Pambawi ko ba sa mga kasalanan lo sakanya. I know it can't pay my debts to him but at least I tried.
I am actually not a good cook either, pagbbake nga ay sobrang pinaghirapan kong aralin bago ito naging edible. Bahala na nga, ang sabi nga nila 'It's the thought that counts' edi kung hindi maganda ang kinalabasan magpapa deliver nalang ako. Haha. Pero sana talaga maging successful.
Tumingin ako sa mga online cookbooks ng mga ingredients na need ko and nagtungo na ako sa grocery.
"Miss do you need help?" alok sakin ng isa sa mga personal chefs dito sa mansion ng mga Del Real nang makabalik ako at nagtungo agad sa kitchen. Awang awa na siguro sila sa mga ingredients na binili ko dahil kanina pa ako nagt-trying hard maging cook pero in the end nasira lang ang mga sangkap. Sabi na epic fail to. Saan ba ako nagkakamali? Hindi ko alam na parang battlefield din pala ang kusina. Ang hirap naman nito!
Ayaw ko man magpatulong sakanila dahil gusto kong ako ang mag effort sa dinner date na inihanda ko para kay Ulysses pero gosh it's already past 5pm! Wala na akong panahon kaya naman nagpatulong na ako sakanila, at sa decorations nalang ako nagfocus. At least dito hindi naman ako nagmess up.
I instructed everyone to just act normal pagdating ni Ulysses dahil ayaw kong mabulilyaso ang plano ko, sa back garden ako nagset up ng surprise para talagang hindi halata and bihira lang magpunta si Ulysses doon.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...
