Chapter 58

31 4 0
                                        

                       𝕬 𝕶𝖎𝖘𝖘 𝖙𝖔 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍

"Here, nandito siya sa kwarto. Ha? Oo kanina pa" dinig ko ang boses ni Lily mula dito sa loob ng kwarto ko. Mukhang may kausap siya at naglalakad sila patungo kung nasan ako.

Nakaupo lang ako sa sahig at nakasandal sa kama habang nags-scroll sa wall ng facebook ko.

Mukhang may bisita kaming dumating.

Nang bahagya niyang itulak ang pinto dahil hindi naman ito nakasara, agad akong napatitig rito.

"Oh ikaw nanaman?" kunwaring yamot kong sabi nang makita ang pagmumukha ni Ulysses na ngayon ay nasa may likuran ni Lily.

Ngumisi siya at iginilid ang ulo tila sinasabing 'Of course!'

"Ilang araw ka na bang tumatambay dito ha? dito ka na kaya tumira" sarcastic kong sabi pero hindi niya yun pinansin at umabante papunta malapit sakin.

"It's not a bad idea" sagot nya na halatang ikinatuwa pa ang biro ko.

"Osya maiwan ko na kayo dyan. Isasara ko nalang itong pinto, kunwari nandyan ako sa loob kundi malalagot tayo sa lola at lolo mo" habilin ni Lily bago hinawakan ang doorknob at akmang aalis na.

Sa ilang araw na pagbisita ni Ulysses dito sanay na sanay na ang mga tao sakanya. Including my grandparents na hinahayaan na siyang pumasok sa kwarto ko, basta nandito rin si Lily.

Since I'm already done with my personal preparations for my debut, nags-stay nalang ako dito sa bahay habang sina kuya at papa na ang bahala sa lahat ng preparations. The last time I had a talk with my kuya, sinabi niyang he wanted that party to be a surprise kaya I should just sit back and relax. Kaya ito ang ginagawa ko ngayon.

After the time we went to their home and meet his family, si Ulysses naman ang palaging nanggugulo dito samin.

But of course, ako ang nahihiya dahil sa kalandian ng lalaking to habang kasama namin sa iisang kwarto ang kaibigan ko. Ang awkward kaya! No wonder di na nakatiis si Lily at lumabas na.

"So..." panimula ni Ulysses at dahan dahan na umupo rin sa sahig katabi ko. "What are we gonna do today?" he asked smiling from ear to ear then he put his arms around my neck to pull me closer.

Ang lapit lapit ng itsura namin sa isa't isa, but I guess nasanay na ako sa moves niya kaya hindi na ako gaanong bothered dito. Especially pag alam kong nang aasar lang siya.

"Ikaw itong tumatambay dito samin tapos ako tatanungin mo ng gagawin" sabi ko at nagscroll nalang ulit sa facebook.

Humiwalay ng kaunti si Ulysses sakin at saglit na tumahimik.

Buong akala ko ay uupo lang siya sa tabi ko pero nagulat ako ng mabilis siyang humiga sa hita ko.

"Hoy!" pinipilit ko siyang tinutulak pero tumagilid siya at kumportableng humiga lang patalikod sakin.

"My grandparents will see us! Baliw ka ba?"

"I don't mind" he chuckled. "Sooner or later I'll be a part of their family too"

I grunted. "You're so conceited"

He turned to face me still laying his head on my lap. "I am because I know you love me"

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon