Chapter 19

43 3 0
                                    

                 𝕷𝖎𝖊𝖘 𝕭𝖊𝖓𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕵𝖊𝖆𝖑𝖔𝖚𝖘𝖞

Manila, Philippines

Autumn recognized me. I felt so terrified by his threat. Didn't actually realized na maaari palang humantong sa ganito ang lahat. Kung umiwas nalang sana ako nung una palang, this wouldn't have happened!

What should I do? Paano kapag sinabi niya kay Ulysses ang totoo? It would really be the end of me! Papa would go mad pag nalaman niyang nilagay ko ang company niya sa kapahamakan. Shit. Nang dahil sa isang kagagahan Ivanessa! You'd ruin your father's hardwork!

I know how powerful my father is, and I also know how big and successful his companies are! But shit. He wouldn't stand a chance kapag nakalaban niya ang mga Del Real. They don't just have power when it comes to business, they are monsters in battle! That's why people won't dare to fight them. They do cunning strategies that can make their enemies fall in an instant.

At kapag si papa nadamay dito who knows what will happen to him. Alam ko kung gaano kaimportante sakanya ang mga businesses niya. Halos dun na nga niya ituon ang buong sarili niya. And I don't want him to get hurt nang dahil sa katangahan ng anak niya.

This is really bad. Kung hindi lang ako nagpumilit na umuwi ng Pinas, kung hindi lang ako sumang ayon sa plan ni kuya na kausapin ang mga Del Real at kung hindi ko tinakasan si Ulysses noon. None of this would have happen! Ugh Ivanessa! Kahit kailan talaga mali mali ang mga desisyon mo!

Now what should I do!?

Autumn left me unable to grasp the situation. Umalis siya ng may matagumpay na ngiti, tila ba sigurado siyang nanalo siya sa gusto niyang ipagawa sakin. He's blackmailing me!

I felt so frustrated. Hindi ako makapag isip ng maayos. To think na masyado akong naging kampante sa sinabi noon ni Bronze na naka moved on na si Ulysses, hindi ko naisip na matatandaan rin ako ni Autumn o kung sino man sa mga pinsan nila. I really messed up!

What worst can still happen? Mababaliw na ata ako.

With a heavy heart, nagpunta ako sa pinaka malapit na bench sa boulevard. Umupo lang ako at pinakiramdaman ang sarili ko.

This is really bad, I don't think I really have a choice but to make Ulysses sign this thing.

I have to make sure na hindi siya magkakaroon ng kahit anong idea bakit ko to gagawin because it might be a lot complicated than before and I can't let that happen.

Leaving no hesitation behind, tumayo na ako at determinadong hanapin si Ulysses. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Considering na napaka daming tao sa buong school at lahat busy dahil sa interschool competition.

But I might just have an idea where I could meet him.

Knowing Ulysses for the past months na pags-stalk ko sakanya. I've got to know kung saan siya madalas naglalagi kapag bored siya. And when Ulysses David Del Real is bored. I already know what he does.

I went to their department building. Particularly sa garden lobby kung saan sa palagay ko ay ang lungga niya tuwing nababagot siya sa buhay at kailangan niya ng magpapasaya sakanya.

Lumakad lang ako sa hallway ng lobby patungo sa dulo kung saan may mga round tables. Walang katao tao dahil abala ang lahat sa panunuod ng mga competitions.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon