𝕽𝖊𝖑𝖎𝖛𝖎𝖓𝖌 𝖙𝖍𝖊 𝕻𝖆𝖘𝖙
Manila, Philippines
"Hayy nako Ivanessa ugh! Kukutusin na talaga kita" sinabunutan ako ng marahan ni Lily habang sinusuklayan ang buhok ko. Nakadapa ako sa kama at siya naman ay nakaupo sa gilid ko.
Katatapos ko lang kasing maligo at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok kaya lang ay inaantok nako.
"Sa oras talaga na malaman ng daddy mo ang pinaggagawa mo lagot ka ng bongga. Bakit mo naman kasi biglang naisipan sumama sa mga kaibigan ni Kaleid?" yamot parin niyang sabi kahit magmula kanina pa namin pinag uusapan ang topic na yan.
Umikot ako ng higa para makita ang mukha niya. "Wala namang masama dun Lily, mababait naman sila. And besides for experience lang naman" sagot ko at inagaw ang suklay sa kamay niya.
"Naku! Yang for experience mo na yan. Hindi naman kasi kailangan girl. Kilala mo ang papa mo. Patay ka talaga pag nalaman nya" pananakot niya muli pero hindi ko na siya gaanong pinakinggan.
"Tama na nga. Kaleid and I talked about it na. Hindi na muna kami lalabas kasama ng mga kaibigan nya, though I feel so sad about it mas maganda ng nag iingat"
"Ayan" inis niyang sabi at nilecturan nanaman ako. "Hindi ko na rin talaga maintindihan yang si Kaleid. Bakit ka ba nya kinukunsinte? Kung ako naman ang tatanungin of course wala namang masama na makipagkaibigan ka sakanila. Iniisip ko lang ang possibilities at ayaw kong masaktan ka"
I sat down and leaned on the headboard. I looked at her feeling ko stressed about that topic. Nakakunot ang kanyang mga kilay at nakatikom ang bibig.
"Daddy won't know kung di nyo naman sasabihin e" pagdadahilan ko kaya madali nya akong sinamaan ng tingin.
She looked at me sharply. "Yeah he right. Pero kailangan mo parin mag ingat. Maybe you're father won't do something to you. But you can't guarantee na wala syang gagawin sa mga friends na yun"
"Hindi ganun si papa no. He's kind" sagot ko kaagad.
Lily sighed stressfully. "Don't tell me I didn't warned you"
That talk never came again dahil hindi ko na rin naman sinubukan suwayin ang payo ni Lily. Besides I know Kaleid and his friends will understand. From time to time ka text ko parin naman sila and they just seemed okay about our situation.
Isa pa, hindi ko na rin gaanong nakakausap si Kaleid nang kami lang dalawa. I find it really awkward the last time na mag isa kami. Buti nalang at tumawag si Bronze nung oras na yon and I had an excuse para hindi marinig yung dapat sasabihin ni Kaleid. I felt so bothered though. Hindi ko ata dapat iniwasan yung pagkakataon na yon. Pakiramdam ko tuloy nasaktan ko si Kaleid.
"Minsan iniisip ko sana aso nalang ako kagaya mo" sabi ko dito kay chocobutternut habang pinapakain ko siya ng paborito nyang grilled liempo. Sosyal kang aso ha. Yung iba dog food lang ang kinakain.
Naipagawa na rin namin siya ng kanyang dog house at binilhan ng iilang mga laruan. I can see na bahagya na siyang lumaki compared nung unang gabi ko siyang nakita.
Hinimas himas ko lang ang ulo niya nang may nagsalita sa likuran ko.
"Be careful what you wish for" natatawa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...
