Chapter 28

30 4 0
                                    

                        𝕳𝖎𝖘 𝕯𝖊𝖈𝖎𝖘𝖎𝖔𝖓

Manila, Philippines

"Hey girl sure ka okay ka lang?" tanong sakin ni Lily habang umiinom ako ng coffee dito sa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

"Sure ka wala kang sakit?" she asked again annoyingly.

Ibinaba ko ang dyaryo at tiningnan siya. "Of course I'm okay. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

Tinuro niya ang ginagawa ko ngayon. "Tell that to me. Hindi ka naman mahilig magbasa ng dyaryo girl. In fact you hate reading news." sambit niya na tila nilelecturan ako habang nakatayo sa harapan ko. "And one more thing, you never drink black coffee. So spill anong problema mo?" pangungulit niya.

"I don't have a problem okay. Gusto ko lang to gawin" sagot ko at inangat muli ang dyaryo para makapagbasa pero sa totoo lang hindi naman talaga ako nagbabasa! Ugh! Why can't they just leave me alone.

"Eversince yesterday nagkakaganyan ka na. You're really acting weird Ivanessa" nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bewang. "Pag uwi natin galing sa welcome party you started acting weird, maliban sa biglaan mong pag aayang umuwi, you literally jump on to bed nang hindi nagpapalit nang suot, you locked yourself up till morning tapos ngayon madadatnan kitang nagbabasa ng dyaryo habang umiinom nang kape. Seriously?"

For how many times napasapo siya nang ulo dahil sa pagiging stress niya sakin. I don't even want to remember what happened yesterday. Ang babaeng ito pinapaalala nanaman ulit!

"What's happening?" my grandma ask all of a sudden, mukhang galing siya nang kitchen.

I didn't reply kaya si Lily ang nagkwento kay lola nang mga kawirduhan ko. She didn't understand me either kaya sinabihan nalang niya si Lily na pabayaan na muna ako. Baka daw dumadaan lang ako sa isang weird stage nang pagdadalaga.

Naku sana ganun na nga lang.

"Anyway apo. Hindi ba after week na ang semestral break nyo?" tanong niya sakin pero saming dalawa ni Lily siya nakatingin.

Tumango ako. "Opo lola bakit po?" ako na ang sumagot at nagkatinginan rin kami ni Lily.

"Kaleid asked if you want to stay in our vacation house in Ilocos. Uuwi rin kasi siya doon sa pamilya niya and it wasn't a bad idea to invite you there tutal bakasyon naman" pag e-explain ni lola.

My eyes sparkled as I heard her talked. Maging si Lily tiningnan rin ako nang puno nang excitement sa mata. I love that idea!

"Yes lola. I agree. Gusto po namin magbakasyon dun. Will you come?" I asked her but she shook her head and smiled weakly.

"No. May inaasikaso kasi kami nang lolo mo dito kaya hindi kami pwede sumama sainyo. Kayo nalang ni Lily ang pumunta roon o kung gusto nyo pwede nyo rin isama si Adrien tutal minsan niya na rin kayong isinama sa vacation house nila sa La Union"

Well it wouldn't be such a bad idea. Semestral break here we come!

It's time for me to relax, enjoy away from all my stressors here in Manila!!

Sa natitirang linggo bago ang semestral break, tinapos lang namin yung mga upcoming exams namin for the second quarter at yung mga school projects na kailangan tapusin.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon