𝕻𝖗𝖎𝖓𝖈𝖊𝖘𝖘 𝖎𝖓 𝕯𝖎𝖘𝖙𝖗𝖊𝖘𝖘
Manchester, England
Hawak ni papa ang kanyang ulo habang nakakunot ang mga ito at pabalik balik na naglalakad sa harapan ko. Galit na galit siya sa nangyari kanina. And I know it's my fault.
Saglit siyang huminto sa paglakad at tinapunan ako ng isang nakakatakot na tingin. Naniningkit sa galit ang kanyang mga mata at nag igting ang kanyang panga.
It's been a while since I last saw my father mad, but this time he's much more pissed.
"What have you been thinking Ivanessa?!" nagitla at napaatras ako ng napasigaw siya nang dahil sakin. "Are you out of your mind?!"
Sobra sobra ang kaba ko sa mga oras na to. Nanginginig ako sa takot nang umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ni papa. Nandito parin kami sa hotel, sa loob ng suite ko kasama silang lahat maliban kina Kaleid at Grayson na nasa labas ata nang hotel.
Pinagsalikop ko ang mga palad ko habang nakayuko at hindi makapagsalita. Nasa gilid ko lang si kuya habang nakatingin saming dalawa ni papa, at sina lolo,lola at Lily naman ay nasa may likuran ni papa.
"Sorry pa... I'm really sorry" paghingi ko nang patawad kahit nanginginig ang aking boses. It's a very important day hindi lang kay kuya kundi pati na rin kay papa, pero nang dahil sakin ay muntik na itong masira.
Galit na napasinghap si papa. "Pasalamat ka at nagawan iyon nang paraan ng kuya mo. I'll never know what to do kung sakaling mapahiya kayo sa mga bisita natin. For pete's sake Iva! Alam mong mga importanteng tao at mga negosyante ang mga dumalo pagkatapos ay magagawa mo yon? What were you thinking?!"
I know my father's point at ako talaga ang mali. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko.
Patuloy parin akong nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"G-Gusto ko lang naman po makasayaw ni kuya si ate Irene--"
"Iyon lang ang dahilan mo?!" pagputol niya sa aking sinasabi at muling nag igting ang galit sa kanyang mukha.
"How childish of you Ivanessa! Hindi ba't sinabi na nang kuya mo na ikaw ang first dance niya? Yun ang napag usapan nyo. Then why did you suddenly changed it right at that moment?!" he extend his arm pertaining to the scene I made earlier.
Paulit ulit akong humingi nang tawad. Pero ramdam na ramdam kong hindi nababawasan ang galit ni papa sa nangyari.
Pumagitna na si kuya at nilapitan si papa upang hawakan sa balikat.
"Pa it's best for you to rest. Ako na po ang bahala dito" sambit niya at pinagmasdan siya ni papa.
Tumango ito at bumuntong hininga. "Okay. I'll better rest. This night stressed the hell out of me!" huli niyang sinabi bago ako muling tinapunan nang titig at nagmartsa palabas ng kwarto.
Nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod nalang ako sa sahig. Agad naman akong dinaluhan ni Lily at hinawakan ang mga nanginginig kong braso.
"I'm sorry I'm so sorry" hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan nang naiyak. Hindi ako umiiyak dahil napagalitan ako ni papa. Dahil tanggap ko namang kasalanan ko. Pero sa dami nang nangyari ngayong gabi ay tila hindi ko na kinaya.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...