Chapter 27

34 3 0
                                        

𝕲𝖎𝖛𝖎𝖓𝖌 𝖔𝖗 𝕲𝖎𝖛𝖎𝖓𝖌 𝖀𝖕

Manila, Philippines

Patalikod akong nagpahulog sa pool at hinayaan kong lumubog ang buo kong katawan sa tubig.

Nanlalamig ang buo kong katawan habang pinagmamasdan ko ang kulay asul na paligid dahil sa tubig. Wala akong ibang marinig kundi ang mga iilang bula na nasa gilid ko.

Inangat ko ang mga kamay ko at pinagmasdan ko ang sarili habang paunti unting lumulubog.

Ganito ang pakiramdam ko tuwing iniisip ko si Ulysses. Kahit anong gawin ko at kahit anong sabihin ko tila walang nakakarinig sakin. Paulit ulit kong sinasabi na tumigil na siya at layuan ako. Pero habang tumatagal parang mas lalong lumalalim ang relasyon naming dalawa kung ano man yun. He's like this vast cold water that continuesly drowns me to him. I can't do anything no matter how hard I try. Malakas ang hatak niya at ang tanging magagawa ko nalang ay sumunod sa agos niya.

Sa ilang araw na pagkikita namin sa school. Hindi parin siya tumitigil sa pangungulit sakin. Everyday he always pushed so hard to get me. Pero hindi ba niya naiintindihan? I can't like him.

"Is there really nothing I can do?!" naalala kong tanong niya nung nakaraan.

His eyes were the same. Persistently pleading to give him the answer he wants to hear. Ni hindi nga niya ako nililigawan o kahit ano. He just remained to be the same old arrogant and self centered guy.

Nararamdaman ko naman ang affection niya sakin. But it's really not enough to change my decision.

Everything just changed to the way it was a year ago. Him trying to win me. And me always try to run away.

Sa paglipas nang mga araw hindi ko na talaga alam ang dapat gawin. Good thing mukhang hindi iyon napapansin nang iba. Hindi ko lang alam kung may idea ba ang mga pinsan niya.

Hindi ko na gustong lumala pa ito, pero hindi ko rin alam kung paano tatapusin nang hindi ko siya nasasaktan ng sobra.

I'm scared of him and that's a fact. Kilala ko na siya at alam ko ang mga kaya niyang gawin. Most of the time he's a cold hearted freak kaya alam kong iba siyang magalit.

"Iva!" dinig ko ang boses ni Lily kaya mabilis akong lumangoy paitaas.

"Hmm?" tinitigan ko siya nang makaahon ako sa tubig. Nakatayo lang siya sa gilid ng pool habang hawak hawak ang cellphone niyang nakatingin sakin.

"Tumatawag si Pristine. Gusto ka daw niyang makausap!" pasigaw niyang sabi kaya lumapit ako sa gilid nang pool. Inangat ko ang sarili at umupo sa tiled floor.

Inabot ni Lily sakin ang phone habang nakaturo dito na tila sinasabi sakin na nasa kabilang linya pa si Pristine.

"Hello?" ako ang unang nagsalita.

"Iva!" magiliw niyang sabi pero naramdaman ko sa tono nang pananalita niya ang konting pag a-alangan.

"Are you free today?" she asked.

Nagtataka man mabilis akong sumagot. "Hmm oo naman. Bakit?"

I heard her heaved a sigh before answering. "Good. I just want to invite you here sa bahay. May simple welcome party lang kasi para kay ate, and they asked me to invite some friends" aniya na hindi ko inasahan.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon