Chapter 40

39 2 0
                                        

                      𝕾𝖆𝖛𝖊𝖉 𝕭𝖞 𝖄𝖔𝖚

Patuloy parin akong nakatulala kina Ulysses at Vandria na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng aming mesa. Nakatitig rin sila sakin ngunit hindi ko maintindihan ang kanilang expression, kung nagulat rin ba sila nang makita ako o hindi.

Samantala, nakayuko naman si Kaleid ngunit nang mapansin niya ang expression ko ay sinundan niya rin ang aking tingin.

Si Vandria ang unang pumihit palapit samin at dahil hawak niya ang kamay ni Ulysses ay sumunod na rin ito.

Pagkalapit, una kong napansin na terno ang kanilang suot na damit kaya agad pumasok sa isipan ko na marahil ay nandito sila para magdate.

Isang puting dress na pinartneran ng purple blazer ang suot ni Vandria, samantalang purple three-forths at jeans naman ang kay Ulysses. They look really good together. And it pains me just to think about it.

"Nandito ka rin pala" panimula ni Vandria na hindi man lang ngumiti. Lumipat ang tingin niya kay Kaleid. "An aquaintance?" tanong niya.

Nag alangan ako ngunit tumango nalang dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot. Nabigla ako ng hapitin niya si Ulysses at umambang uupo kaya madali akong tumayo para lumipat sa katabing upuan ni Kaleid. Kaya ngayon katapat na namin ang dalawa.

This is really getting awkward pero mukhang wala akong choice. Magiging bastos naman ako kung bigla ko silang iwan dito, gayong wala naman silang masamang ginagawa.

"So..." bumitaw si Vandria sa pagkakahawak sa kamay ni Ulysses at ipinatong ang siko niya sa mesa na tila isang sophisticated na dalaga.

"Are you here for a date or just to have fun?"

The way she asks me feels like an interrogation. Wala akong ibang magawa kundi mapalunok at pakiramdam ko tinutuyuan ako ng lalamunan.

"We're on a date"

Si Kaleid ang mabilis na sumagot kaya nalipat sakanya ang titig naming lahat.

Nang lumipat ang tingin ko kay Vandria ay diretso parin ang titig niya kay Kaleid, ngunit sandali lang ay muli niya akong tinitigan nang nakataas ang isang kilay.

"I thought you're Bronze's girl?" she clarified.

Bumaba ang tingin ko pero agad ko rin naisipan na sagutin ang kanyang tanong para magkaliwanagan na rin.

"No I'm not" simple kong sagot pagtama ng tingin naming dalawa.

Sumandal siya pagkatapos ngunit nanatili ang matalim niyang titig sakin.

"I see. So you're just one of his girls. I'm not surprise"

She said those words like she's bored. Parang wala nalang sakanya ang kanyang nalaman. Pero hindi ako makakapayag. Hindi naman ako babae ni Bronze o nang kahit na sino.

"No. I'm not one of his girls, and I am not owned by anyone"

Naglakas ako ng loob na sabihin ang mga salitang yan at alam kong bahagya nila itong ikinagulat. Maging si Kaleid na ngayon ay sakin na napako ang tingin. At kahit si Ulysses ay tinapunan na ako ng tingin sa unang pagkakataon. He might also be shocked about my remark.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon