Chapter 12

47 4 0
                                    

                    𝕿𝖔 𝖙𝖍𝖊 𝕮𝖎𝖙𝖞 𝖔𝖋 𝕷𝖔𝖛𝖊

Manila, Philippines

Quizzes, Exams, Projects. Mga dahilan kung bakit sumasakit ang ulo ko this past few weeks. Hindi na ako natapos sa mga requirements na pinapagawa ng mga teachers namin. Requirements one after another. Isama pa yung mga reports and performances.

I really don't know what to finish first!

We're actually in the first week of August. Ang isa sa pinaka busy na month sa buong taon. Interschool competition, buwan ng wika celebration, periodical exam days. Ugh. Gusto ko nang magpahinga!

"Why are you so stressed out?" tanong ni Lily sa tabi ko habang abala ako sa pagtapos ko sa first grading project ko sa Statistics habang siya naman ay nagsusulat ng update dun sa ipapass niyang paper sa Journalism club nila.

Tahimik ang buong library kahit maraming estudyante dahil halos lahat busy sa mga school works.

I just sighed at humiga sa mesa.

"Bakit ka ba kasi nagpapastress dyan? For someone as rich as you kung ako ikaw hindi na ako magb-bother mag aral" pabiro niyang sabi pero mukhang half meant.

Inihilig ko ang ulo ko sa kabilang direksyon para tingnan ang mukha niya. "I don't plan to pursue our family businesses Lily alam mo yan. Si kuya at Grayson na ang bahala dun. Basta pagtapos ko mag graduate titira ako sa malayo at tahimik na lugar at dun bubuo ng sarili kong pamilya. Kaya ngayon palang kailangan ko nang mag aral nang mabuti"

She just looked at me unbelieving sabay napaikot ng mata. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Ang daming tao ang nagpapakamatay para maging kasing yaman mo pero ikaw gusto ng mahirap ng buhay. Baliw ka na ba sis?" she talked as if I'm the most unreasonable human on earth.

Hindi rin kasi nila lahat naiintindihan ang sitwasyon ng mga tao na nabubuhay sa mundong ginagalawan ko. Yes you can have any material things you want, you'll never have to worry for you future, you have everything everyone dreamed of.

Those are indeed true. But not all of us wanted to live like that, iba iba tayo ng perspective sa buhay, iba iba tayo ng gusto. And in my case, freedom is what I want. Hindi naman sa pinipilit ako nina papa na magpakasal na or what but sooner or later alam kong inihahanda na rin niya ako para dun. My brother Harrison will be engage in December. During his 18th birthday. And as much as I know baka si ate Irene na talaga ang makakatuluyan niya.

"Anyway Iva maiba nga tayo" ani Lily sabay bitaw sa ballpen niya at isinara ang libro. She looked at me seriously kaya napaayos ako ng upo. "Can you help me gather some data about the Power three?" she asked.

I creased my eyebrow at her. "Huh? Anong power three?" I asked her bewildered and she just looked at me with eyes wide opened.

"Gosh! Iva where are you? Hello are you there?" she acted as if I was nowhere beside her. Lumingon lingon pa siya sa paligid namin. Sinapok ko nga.

"Aray!" she shouted. Pinagtinginan tuloy kami ng ibang mga students dito sa library. Buti nalang hindi kami napansin ng librarian. "Nakakainis ka na ha!" she said to me then pouted.

Ako ang sumimangot sakanya. "Ikaw ang nakakainis dyan. Seryoso akong nagtatanong tapos bibiruin mo ko ng ganun"

"Paano kasi napaka mo. You are more close to them than I am tapos tatanungin mo ko kung sino yung Power three? Gosh!" pinaypayan niya ang sarili na akala mo nagh-hyperventilate at hihimatayin sa nangyari. OA din ng kaibigan ko minsan e.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon