𝕻𝖗𝖎𝖓𝖈𝖊𝖘𝖘' 𝕯𝖎𝖑𝖊𝖒𝖒𝖆
He didn't came back for me, that's for sure.
Para akong sinimento sa sahig nang iwanan niya ako at hindi tinapunan ng pansin. Ulysses again didn't care about my existence.
Kahit na mukhang kailangan ko ng tulong ng mga oras na yon ay binaliwala niya ako na tila hindi niya ako kilala at wala siyang pakialam.
Ang sakit pala.
Ang hapdi sa pakiramdam na yung dating tao na naghahangad nang atensyon mo ay binabaliwala ka na ngayon. And again. It's my fault.
Ito ang ginusto ko kaya dapat ko itong panindigan. He finally set me free, but why does it sting in the chest?
Nagpunta ako ng clinic para magpagaling ng sakit nang katawan. Ngunit bakit mas masakit yata ang puso ko ngayon. Sobrang sakit to the point na habang iginagalaw ng nurse ang nasprain kong paa ay naluha na ako. May pumatak pa nga sakanyang kamay kaya napatingala siya sakin.
"Masakit ba?" tanong niya nang may pag aalala.
Dahan dahan kong pinunasan ang pisngi at mata ko habang nakatingin sakanya. Napapahikbi parin ako. "Opo" sagot sa gitna nito. Binagalan niya ang pag check sa paa ko sa pag aakalang iyon ang tinutukoy ko.
It pains me so much to think na yung tao na akala ko ay susuportahan ako sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon ay siyang unang bumaliwala sakin. Kasalanan ko. Ako nagtulak sakanya para gawin yun kaya wala akong karapatan na hingin muli ang simpatya niya. Wala na akong karapatan kahit na kailan.
Sa sumunod na araw ay nabalitaan ko ang tuluyan niyang pagbalik sa school. But this time he's now with Vandria.
Yes. They came back together at kumakalat ang balita na dito na daw mag aaral si Vandria sa susunod na school year at dito na rin niya tatapusin ang señior highschool.
I am really out of the picture now. Ulysses finally found the right track in his life at hindi ko na yun dapat guluhin. He looks so happy and he didn't even cared about my existence. Not at all.
"Asan na yang bag mo" untag ni Lily sabay kuha sa backpack ko na nakasabit sa likuran. Huminto ako sa paglakad at sumandal sa pader para hindi ako matumba. Pumapasok kasi ako ng nakasaklay ngayon dahil nga sa nasprain kong paa.
Nagprisinta si Lily na buhatin ang gamit ko at dahan dahan kong inalis ang pagkasabit ng bag sa mga braso ko. Muli kong hinawakan ang saklay at nagsimula na kaming maglakad sa corridor. Papunta kami ngayon sa Multimedia room para manuod daw ng documentary. Mas gusto ko pa ito kesa magdiscuss ang teacher sa classroom.
Pagkatapos ng subject na yon ay sinabihan ako ni Lily na magkita kami sa boulevard bago kumain ng lunch dahil inutusan siya ng isang teacher namin na ipass sa library yung librong ginamit niya.
Hirap na hirap akong inilalagay sa tenga ko ang phone ko habang naglalakad dahil kailangan ko rin hawakan ang saklay ko bilang suporta.
"Wait moko dun sa tapat ng student center. Papunta nako" ani Lily mula sa kabilang linya habang magkausap kami sa phone. Kasalukuyan akong paika ikang naglalalakad gamit nang ang saklay at sinadyang ilagay sa bulsa ko ang phone ko ngunit biglang dumulas ang saklay ko at mabilis akong nahulog sa sahig. Shit.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...
