𝕸𝖆𝖌𝖎𝖈𝖘 𝕯𝖔 𝖂𝖔𝖗𝖊 𝖂𝖋𝖋
Today was December 24th, the day before Christmas. Abala ang lahat sa pag aayos ng paligid dahil syempre mamayang gabi na ang Christmas eve celebration. Excited na din ako since for the first time makakasama kong magpasko si Ulysses.
We decided na dito siya magcelebrate ng Christmas kasama namin and sa New Year naman ay sakanila ako magc-celebrate. Pakiramdam ko tuloy mag asawa na kami dahil sa ganitong setup. Pinayagan narin naman ako nina papa at kuya since nagpaalam na rin ako kaagad.
"O ano? Handa na ba yung isusuot mo mamaya? Baka magmukha kang isa sa mga maids natin pasko pa naman. Sige ka baka biglang matauhan si Ulysses at marealized niyang hindi ka pala niya type" pang aasar sakin ni kuya habang inaayos ko ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree.
"Kuya pwede ba? Wag mo siyang itulad sayo" balik ko sakanya pero syempre biro lang yon. Ng lakas naman kasing mang asar e.
Tanging tawa lang ang ginawa niya at iniwan na ako. Sunod kong pinuntahan sina Lily sa kusina para tumulong sana sa pagluluto pero ang sabi ba naman niya sakin.
"Kung gusto mong may matapos tayo ng mabilis sa iba ka nalang tumulong" aniya.
I frowned and pouted. Grabe! Ano bang problema ng mga tao sakin ngayon at napaka mapang asar nila?
Pero dahil pasko at bawal magalit. Hinga lang ako ng malalim.
Pinuntahan ko nalang sina papa at Gray na kasalukuyang nasa garden at nakaupo sa isa sa mga umbrella table habang nauusap.
"Anong meron?" I asked them dahil napaka dalang lang magbonding ng dalawang ito. Binigay na pala niya kay Gray iyong regalo niya.
"Ate papa gave me my own telescope!" masayang sambit ng kapatid ko habang pinapakita sakin ang manual.
"What!?" halos manlaki ang mata ko sa nakita dahil hindi ko inexpect na high end na telescope ang ibinigay niya para sa isang 5 year old na bata!
"The telescope is upstairs, mamaya ko iyon bubuksan pag Christmas na" magiliw na sabi ni Gray sakin at napatingin naman ako kay papa na sobrang lapad ng ngiti.
"Well you're brother is already matured enough to handle things like this. Besides matalino ang kapatid mo and he doesn't want ordinary toys"
Wala na akong nasabi kaya napabuntong hininga nalang ako at umupo sa tabi nila.
"How's the preparation going?" Dad asked at sumilip pa sa may likuran ko.
"Everybody is busy, nga pala Pa. How long do you still plan on staying here?"
He thinks of something before answering me. "Right after New Year dear, marami pa kaming kailangan asikasuhin ng kuya mo. Besides he needed to focus on his new project"
"Hmm. I understand. Kumusta naman sina kuya at ate Irene?" hindi ko napigilan mang usisa.
"The both of them seems normal to me. Ganun parin at walang pinagbago" Dad explained and tried his best not to sound disappointed.
I heaved a sighed and looked elsewhere. "Why did you insist about their engagement kung alam mong hindi pala sila okay?" there I've asked one of the questions I'm scared to ask before.
Dad looks at me with his eyes full of emotions. "Because it's only Irene who can help your brother in the future"
"And it's because of her status right?" I sounded so bitter na kahit itago ko ay alam kong ramdam parin iyon ni papa.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romansa𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...