Chapter 14

55 4 0
                                        

𝕭𝖆𝖇𝖞 𝕴 𝕷𝖔𝖛𝖊𝖉 𝖄𝖔𝖚 𝕱𝖎𝖗𝖘𝖙

City of Paris, France 

Paris is indeed a scenic place to visit. Maraming places pa kaming pinuntahan pagkatapos namin mamili ng mga souvenirs and stuffs.

"Ah! Sarap talagang magrelax nang ganito!" Blaze loudly commented habang humihiga siya sa blanket na nilatag namin sa park na harap mismo ng Eiffel tower.

We decided to stop by habang nagpapalipas oras. Hinihintay pa kasi namin matapos ang photoshoot nina Pristine at Bronze. And according them, mga isang oras nalang ang kailangan hintayin.

"Umayos ka ng upo! Hindi tayo magkakasya" reklamo ni Rein na ngayon ay nasa likuran ni Blaze. Galit itong bumangon at tumingin sakanya, and the usual quarrel goes on.

"Wag mong pansinin ang dalawang yan" natatawang sambit ni Lazarus sa tabi ko habang tahimik na pinagmamasdan ang Eiffel tower sa itaas namin.

Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kagabi dito nang kasama ko si Adrien. I really do hope na okay lang siya. Hindi ko talaga alam ang gagawin.

"Napaka romantic talaga ng lugar na to no?" sabi ni Lazarus nang nakangiti.

I felt awkward at his comment. Parang nabasa niya kasi yung iniisip ko. Tumango nalang ako.

"Do you have a boyfriend Ivanessa?" asked Ruki all of a sudden. Pinagtinginan rin ako ng iba na parang big deal yung isasagot ko.

Kinabahan ako sa mga titig nila.

"Ha? Wala" mabilis kong sagot habang winawagayway sa ere ang pareho kong palad.

"Totoo ba yan?" usisa ni Blaze na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Oo nga. Bakit nyo ba ako biglang natanong?" I asked. Parang may kung anong kabayo ang dumapo sa loob ng katawan ko at sobra akong kinabahan sa simpleng tanong na yon. Siguro dahil walong lalaki ang naghihintay sa isasagot ko. Tsk.

"Napansin kasi namin kagabi" Ruki laughed silently. "Anong meron sainyo nung si Adrien?"

Sinasabi ko na nga ba. They're really thinking na may something samin. Even Pristine.

"Huh? We're friends. Super friends!" proud ko pang sabi pero tumawa lang sila. Except Maxon and Ulysses of course. Yung isa natural na walang paki at yung isa nag iwas lang ng tingin.

Eugene was the one who stop laughing first. "We think he's really into you, you know. Akala talaga namin boyfriend mo siya"

"Yeah. Pero pinakilala mo siya kagabi as your friend" dagdag pa ni Autumn nang nakangisi.

Teka? Bakit ba ako biglang ginigisa ng mga ito. And besides, kung makaakto sila parang tropa kami ha.

"H-Hindi talaga. Mali kayo ng iniisip! Friends lang talaga kami" I continuesly denied pero puro mga ngisi lang ang isinagot sakin. I give up.

"Friends. Pero nagd-date ng hating gabi?"

Everyone came silent after Ulysses suddenly commented from the back. He didn't even looked at us.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon