Chapter 61

23 2 0
                                        

                   𝕺𝖓𝖊 𝕾𝖙𝖊𝖕 𝖙𝖔 𝖙𝖍𝖊 𝕻𝖆𝖘𝖙

This morning right after my class I received another message from Mr. Del Real reminding me of our promised dinner tonight together with his siblings.

After reading his message, napahigpit ako ng hawak sa phone ko sa kadahilanang hindi ko maintindihan. Sa di maipaliwanag, nakakaramdam ako ng kaba. Should I really go later?

May nagsasabi sa isipan ko na wala namang masama kung pupunta ako, pero the fact na gusto itong isikreto ni Mr. Del Real kay Ulysses ay doon ako nakakaramdam ng kakaibang kaba. Ano ba talagang meron? This is really getting a lot odder.

Huminga ako ng malalim at sinubukang wag muna yung isipin dahil may mga ibang bagay pa akong dapat gawin.

Pumasok ako sa mga classes ko at pinilit na magfocus sa mga pinag aaralan namin pero hindi ko parin magawang makalimutan ang mga bagay na bumabagabag sakin. Like yung sitwasyon ni Lazarus ngayon, that really made me shocked. Tapos ito pang dinner sa mansion ng mga Del Real.

This is really getting in my nerves!

Right after my final subject, tinext ko si Ulysses na may pupuntahan ako at huwag na nya akong sunduin kagaya ng palagi niyang ginagawa.

Pero nakuha ko nang nakapagpahatid kay Mr. Jones sa mansion nila ay hindi man lang ako nareceived ng message mula sakanya.

Pagdating ng kotse namin sa tapat ng kanilang malaking gate ay agad itong bumukas para salubungin kami. Hawak ko parin ang phone ko sa lap ko at kinakabahang yumuko at pumikit na sana walang masamang ibig sabihin ang pagtawag sakin ni Mr. Del Real.

The car stopped in front of the entrance door at bumaba na ako. I instructed Mr. Jones that I'll be texting him later kapag papasundo na ako and he drove away.

Nakatingala ako sa napaka laking double door entrance ng kanilang mansion at hindi ko magawang humakbang papunta rito.

Why am I so nervous?

Looking at the door with my stern face and slightly trembling body, it slowly opens.

Bumungad sa harapan ko ang nakangiting si Mr. Del Real na siya mismo ang sumalubong at nagpapasok sa akin nang may malawak na ngiti sakanyang mukha.

"Welcome dear" aniya nang nakalahad pa ang mga kamay.

Sumusunod ako sakanyang maglakad habang nasa likuran niya ako at palinga linga sa paligid. Sinusubukang basahin ang sitwasyon kung ano ba ang gustong pag usapan ng tatay ni Ulysses.

After namin dumaan sa napaka lawak na hallway ay nakarating kami sakanilang dinning area kung saan tahimik na naghihintay sina Emi at Cade.

Kaagad naman nila akong tinapunan ng tingin pagkadating ko. Straight face lang akong tinitigan ni Emi samantalang si Cade ay malawak ang ngiti at sinundan pa ako ng tingin hanggang makaupo ako sa kaliwang gilid ng mesa na kaharap nila.

Si Mr. Del Real since siya ang head of the family, kaya sa head seat siya umupo. Sa kaliwa ko at sa kanan ni Emi na ngayon ay nasa harapan ko.

"So shall we eat?" ngiting tingin samin ni Mr. Del Real, matapos ay tinaas niya ang kanyang kamay upang tawagin ang mga servers at isa isa na silang naghapag ng pagkain sa amin.

I was really hesitant kung dapat ba ay nagf-focus ako sa pagkain ngayon, pero hindi parin mawala sa isip ko ang sasabihin ni Mr. Del Real kaya pasimple ko siyang tinitingnan gamit ang aking peripheral vision.

I saw him smiled softly.

"Don't worry my dear, let's just eat dinner first and we'll talk about the matter I talked to you about" aniya.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon