Chapter 21

48 3 0
                                        

                    𝕿𝖍𝖊 𝕻𝖗𝖎𝖓𝖈𝖊'𝖘 𝕯𝖆𝖙𝖊

Manila, Philippines

"Lily naman pagbigyan mo na kasi ako. Pinayagan na ako ni mama mo o!" humawak ako sa gripo at ipinihit ko ito para maisara. Ayaw kasi akong pakinggan ni Lily.

"Pwede ba Ivanessa wag kang makulit ha. Hindi ka pwede dito. Pumasok ka nalang sa loob" aniya habang nakaupo sa tapat nang gripo at batya. Naglalaba kasi sila ngayon kasama ng mama niya at nang iba pang kasambahay.

Nagmamaktol ako sa gilid niya dahil ayaw niya akong payagan tumulong na maglaba. Gusto ko lang naman maranasan para makatulong na rin ako. Ang dami ko kayang damit na nasa mga labahin na yan.

"Lily pagbigyan mo na yang si Ivanessa. Isipin mo nalang naglalaro lang siya" nakangiting pamimilit nang mama niya sakanya habang magkatabi silang nakaupo. Tumingin si tita sakin at nginitian ko rin siya.

Ang swerte talaga ni Lily dahil may mabait siyang mama.

Sumimangot si Lily. "Ma kailangan na po natin matapos to. Madami pa po kaming gagawing homeworks" aniya at hindi na ako pinansin. Nagpatuloy na ulit siya sa pagkusot nang damit.

Gusto ko lang naman maexperience e. Alam ko naman na palagi nilang sinasabi na hindi ako pwedeng maglaba o tumulong maglinis ng bahay sakanila dahil basically amo rin nila ako. But Lily is my bestfriend. Hindi ba nila pwedeng isipin nalang na kaya ko gusto gawin yun ay para makabonding sya?

Bumagsak ang mga braso ko at dahan dahan na tumalikod. Mukhang hindi talaga niya ako hahayaan. Iniisip siguro nila na panggulo lang ako sa trabaho nila.

"Tss. Halika ka na nga. Sinasabi ko sayo last lang to!" Lily said from my back kaya naman madali akong tumalikod sa tuwa!

Inakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. "Thanks Lily! The best ka talaga. Sabi ko na hindi mo ako matitiis e" tuwang tuwa kong sabi habang kinukulong ko siya sa yakap ko.

"Miss Iva. Dito ka nalang sa pwesto ko umupo. Tutulong nalang ako sa pagsasampay" sabi ng mama niya at tumayo ito papunta sa kabilang gilid nang mansion kung saan nagsasampay ang iba ng mga damit na nalabhan na.

"Paano ba to?" I asked Lily unsure kung paano ko ba dapat labhan tong mga damit.

She then instructed me carefully. Yung tamang pagkusot at pagbanlaw. She even told me na huwag akong gumamit nang matapang na sabon o di kaya ay detergent dahil baka malapnos ang mga kamay ko. Wala naman akong paki dun. Ano ngayon kung pumangit ang kamay ko? Wala naman magbabago. Kumpleto parin naman ang daliri ko.

Pagkatapos namin maglaba, o di kaya ay magbasaan. Tumulong rin ako sa pagsasampay. Sinasamantala ko ang chance na to dahil umalis sandali sina lolo at lola papunta sa isang relative nila sa pampanga. I think they'll be staying there until tomorrow kaya malaya akong gawin ang gusto ko.

"Kakaiba ka talagang babae ka. Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo ayaw ang trabahong to pero ikaw enjoy na enjoy ka pa na tila daig pa ang batang naglaro sa playground" umiiling na sabi ni Lily habang sinasabit sa sampayan yung mga damit na nilabhan namin kanina.

Ngumiti ako ng malapad pagkaharap ko sakanya. Tinitingala ko ang kamay niyang nagsasampay.

"E sa bago kasi to sakin. Who would've thought na nakakaenjoy palang maglaba. Lalo na pag kasama kita"

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon