Chapter 37

37 2 0
                                        

                𝕬 𝕿𝖆𝖑𝖐 𝖜𝖎𝖙𝖍 𝖆𝖓 𝕬𝖓𝖌𝖊𝖑

Pinagsawalang bahala ko lang ang sinabi ni Bronze kahit na alam kong pinagtinginan kami ng ibang mga kasama. They looked at both of us na medyo nakaawang ang bibig at nagtataka pero walang ni isa ang nagtanong.

Pare-pareho kaming umupo sa palibot ng isang mesa at sinerve kami ng mga iilang pagkain at inumin. It's been a while since I last did this with them at hanggang ngayon medyo awkward parin ako dahil sa nangyari nung nakaraan.

Mabuti nalang at walang nagbukas ng topic na iyon.

Maingay silang nagk-kwentuhan at kumakain ng mga pagkain sa mesa habang ako nakatitig lang kay Ulysses na tahimik at nakikipag usap lang kay Vandria. They're really so intimate with each other. Kulang nalang ay kalungin niya si Vandria sakanyang hita sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Huy ayos ka lang?" tanong ni Pristine sa tabi ko habang may hawak na isang platito na may lamang cake.

Tumango ako at bahagyang ngumiti.

Hindi na siya nakapagtanong pa dahil tinawag ni Maxon ang pansin niya. "Pancake! Give some" utos niyan kay Pristine at iniabot niya ang platito kay Maxon nang nakasimangot.

Ngayon ko nalang ulit narinig na tinawag ni Maxon si Pristine eversince I got a chance to be with them. Madalas kasi ay tahimik lang si Maxon pag nandito ako. Hindi ko alam kung ayaw ba niya sakin o talagang ganun lang siya pag may ibang tao silang kasama.

Tahimik lang akong kumakain at hindi nagsasalita, pero ramdam ko ang pasimpleng titig sakin nina Autumn at Ruki. Ano kayang iniisip ng dalawang to?

Autumn looks at me with a smug face samantalang si Ruki ay seryoso ang mukha.

"Hey don't you feel happy?" tanong bigla ni Bronze sa kabilang gilid ko. Medyo malakas ang pagkakatanong nya ngunit si Ulysses lang ang napatingin samin.

Ngumisi pa lalo si Bronze at inilapit ang mukha sakin kaya napaliyad ako patalikod. "Finally we got a chance to be near each other again without nuissance" I can't helped but to stare with his face, napansin ko rin ang teardrop earrings na palagi niyang suot nang masinagan ito ng liwanag at kumislap.

Ipinatong ko ang palad ko sa mukha niya atsaka siya sapilitang tinulak palayo pero hinawakan lang niya ang kamay ko at inalis ito.

"Trust me you'll thank me for this" he said seductively and kissed me on the cheeks near my lips. Sa sobrang bilis ay hindi ako nakailag o nakapag reklamo man lang.

I was just about to curse at him nang magulat kami sa biglaang pagtayo ni Ulysses. Tumunog ng malakas ang bakal niyang upuan kaya napalingon kaming lahat sa dako niya. Mukhang nagulat rin si Vandria sa tabi at nakaangat ang tingin niya kay Ulysses nang papaalis ito. Pagkatapos ay sumunod siya sa fiance na naglakad palayo.

Binalikan ko naman si Bronze na tuwang tuwa sa tabi ko habang nakatingin dun sa dalawang umalis.

"What were you thinking?" I asked him pissed.

Tinaas niya ang isang kilay at nguniti ng mapaglaro. "Nothing"

Isa isang nag alisan sina Rein, Lazarus at Blaze para magswimming sa pool. Pero itong si Bronze hindi parin ako nilulubayan. Nakaupo lang siya dito sa tabi ko habang umiinom ng beer niya.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon