𝕷𝖊𝖙 𝖙𝖍𝖊 𝕲𝖆𝖒𝖊 𝖇𝖊𝖌𝖎𝖓𝖘
"Would you want to sit?" I invited him out of nowhere.
He is holding a glass of wine on his hand and I assumed na baka nandito rin siya para magpahangin. When I decided to initiate and be the one to approach him, wala akong naramdaman na kahit anong kaba. Maybe because I just feel so peaceful right now.
But when he suddenly moved to sit beside me doon na ako biglang naalarma dahil hindi ko inaakala na uupo nga siya sa tabi ko.
Right at this moment, isa lang ang sigurado ako. Masaya ako na magkasama kami. Just this once, maybe just this once we can be together again.
Nakatingin lang siya ng diretso sa dagat, tahimik habang paminsan minsan na iniinom ang wine na hawak niya. Habang ako ay pinagmamasdan lang siya na tahimik.
This moment bigla nalang sumagi sa isip ko na what if hindi ako nagustuhan ng taong to, what if we didn't met like that before in England. Would we become friends?
Maging ako hindi ko alam ang sagot sa tanong na yun. Nakakapagod rin pala na umisip ng mga possibilities dahil sa sitwasyon namin ni Ulysses. I only know one definite answer. If I want to be with him, I need to accept everything.
"K-Kumusta ka naman?" kinakahabahan kong tanong para basagin ang katahimikan namin.
Kita kong umangat ang isa nyang kilay nang diretso parin ang tingin sa dagat.
"I'm good" tipid niyang sagot.
"I-I see..." tangi kong nasabi dahil napakatipid lang niyang sumagot.
Gosh! This is so awkward!
Magkatabi kaming magkasama sa madilim beach na kami lang at wala ng iba. What am I suppose to do right now?
Kung aalis naman ako kaagad ay mas lalo akong magmumukhang masama.
"Nag e-enjoy ka naman ba sa vacation na to?" sunod kong tanong.
Pasimple lang akong nakikipag usap sakanya pero sa totoo lang malapit na akong himatayin sa kaba!
Even though a lot of things happened between the two of us. I still want to be his friend, and even after that if we will part ways, still we're parting fine. Alam kong masyado nang maraming sakit at hirap ang dinanas namin sa kung ano man magulong relasyon ang meron kami, but it's not yet time to just give up right? We could do something to end this in a better way... I hope so.
Uminom muna siya ng wine nya bago ako sinagot. "Yeah. So far"
Mukhang sinusubukan nyang sagutin ang mga tanong ko nang maayos pero hindi maitatago ang kanyang pagkayamot.
Hindi na ako dapat magtaka dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na makakausap nya casually sa mga panahong ito.
But the fact that he stayed here with me is already enough para isipin ko na kahit paano ay mas maayos na kami kaysa nung nakaraan.
Lalo na nung mga panahon na nagkausap kami sa loob ng isang room sa school kung saan nya inamin sakin ang lahat. I still remember how mad he is that time, how frustrated he is all this time pero nagawa nya iyon tiisin lahat. And I clearly know that it is all my fault kung bakit nangyayari lahat ng to.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...
