𝕳𝖊𝖗 𝖀𝖓𝖜𝖆𝖛𝖊𝖗𝖎𝖓𝖌 𝕯𝖊𝖈𝖎𝖘𝖎𝖔𝖓
After hearing Kaleid's sincere feelings, I can't seem to say anything. Nakatayo lang ako na nakatitig sakanya. Tulala.
Hanggang sa simple nalang ngumiti sakin, pagkatapos ay tumalikod at naglakad nang nauuna.
Nang makabalik kami sa mansion ay muli akong naging tahimik. Hindi ko na talaga maintindihan ang totoo kong nararamdaman. Ano ba talagang gusto kong mangyari?
Pumasok sa kwarto ko at tumitig nalang sa bintana upang makapag muni muni. I really need to snap out of this. I need to find the answer to my questions. Masaya na ba ako sa mga nangyayari? Ito na ba talaga yung gusto ko? Ganito na ba ang pinapangarap ko? Malaya na ba talaga ako?
Napakaraming tanong na alam kong ako lang ang makakasagot.
Habang titig na titig ako sa asul at payapang langit, tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag.
Nang sagutin ko ito ay boses ng isang lalake ang aking narinig. "Ruki?"
"Ivanessa" pagtawag niya sakin.
"Bakit ka napatawag?" I asked.
Sandaling katahimikan ang bumalot bago muli siyang nagsalita.
"Ulysses is getting married" he announced.Ako ngayon ang saglit na napatahimik at bahagyang napasinghap kahit na matagal ko nang narinig ang balitang iyon kay Bronze.
"Alam ko..." mahina ngunit seryoso kong sagot.
Dinig ko ang pagtataka sa boses ni Ruki ngunit binaliwala nya iyon. "Kailan pa?"
"Sinabi na ni Bronze sakin sa Palawan"
Gustong gusto ko nang ibaba ang tawag dahil alam kong wala naman nang patutunguhan ito. Why are they even informing me about this? Alam ko naman na alam na nila ang kung ano man ang namamagitan samin ni Ulysses. He already chose Vandria and we can't do anything about it.
"It's going to be on Ulysses' birthday. And it's a sunset wedding. You're invited. If ever you wanted to come" ramdam ko sa boses nya ang pagiging matamlay at malungkot.
Ang paulit ulit na pagbaba ng kanyang hininga na tila pinipilit na hindi ko mapansin.
"Thanks for the info Ruki. But I don't think I'm going to come" sigurado at seryoso kong sagot.
Muli rin siyang nagpasalamat sakin bago tuluyang ibinaba ang tawag.
So it's really decided huh?
There's no need for me to think anything. Giving him up for good is my only choice. It's the best choice that I'll ever make, even if the me from a year ago will say the same thing.
Sa paglipas ng mga sumunod na araw, unti unti ko nang nakakalimutan ang tungkol sa kasal. Unti unti ko nang naisasanay ang sarili ko na bumalik sa dati, na hindi siya iniisip, na walang ibang nasa isip kundi ang mga plano ko sa hinaharap.
"Iva apo, masarap siya. Congratulations" tuwang tuwa si lola na nilalantakan ang gawa kong cupcakes dito sa kitchen area.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...