Chapter 57

26 4 0
                                        

                      𝕸𝖊𝖊𝖙𝖎𝖓𝖌 𝖙𝖍𝖊 𝕱𝖆𝖒𝖎𝖑𝖞

I kept fidgeting and playing with my fingers habang nakasakay kami sa loob ng kotse, and Ulysses is currently driving me to their home.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na ba siyang sinulyapan sa rearview mirror pinakikiramdaman kung kinakabahan rin ba siya kagaya ko.

From the way I see him, tahimik lang siya at focus lang sa pagmamaneho.

Today is the day na mam-meet ko na in person ang buong pamilya niya. And honestly, kahit na sobra akong nagprepare para sa araw na ito ay grabe parin yung kaba ko. Will his family like me?

Nagsuot lang ako ng semi formal white dress, and black gladiator shoes. I want to be as simple as possible dahil according to Ruki, I should not dress too much na magmumukha talaga akong magpapa impress, because it might just backfire.

Besides, he also told me na simpleng tao lang din ang family ni Ulysses to the point na baka casual wear lang ang suot ng mga ito sa bahay, gaya ng mga normal na tao.

After a half an hour drive, we reach the familiar tall metal gate with a touch of vines on it.

Mabilis iyon bumukas at ipinasok na ni Ulysses ang sasakyan sa loob hanggang sa makarating kami sa tapat ng malaking double door entrance.

This is already my second time coming here, because the first time was during the triplet's birthday. But it never fails to amazed me because of how gorgeous their mansion is.

The touch of vintage and modern really suits the exterior design of the mansion. Napaka detailed ng bawat disenyo at halatang pinag isipan ito.

Maybe kaya ako mas naamazed ngayon ay dahil nung nakaraan, gabi ako nagpunta at hindi ko masyado napagmasdan yung paligid.

Atsaka super stressed ako that time, which is given na yun.

A middle aged man named Faust welcomed us as soon as we entered the door. From Ulysses' explanation, siya daw ang butler nila sa mansion na to, and he is Oliver's older brother. Yung butler nila sa Manchester.

"Your siblings are already at the backyard sir" sambit ni Faust habang nauunang naglalakad samin ni Ulysses.

Hindi pinansin ni Ulysses ang sinabi nito at seryoso lang na nakatingin sa patutunguhan. Habang ako rin ay pangiti ngiti lang kay Faust kapag tinitingnan niya ako.

Dinaanan namin ang main hall ng mansion kung saan makikita ang engrandeng staircase kung saan noon nagcelebrate ng 17th birthday sina Autumn.

Napatitig ako sa isang malaking portrait sa gitna nito na dati ay hindi ko napansin. It was a man and a woman who was painted during their wedding.

Is that his parents?

Hindi ko namalayan na napahinto pala ako sa paglakad kaya mabilis akong naglakad para makahabol kina Ulysses, pero hindi ko parin maialis ang titig ko doon sa babaeng kasama ng papa niya.

She has a brunette curly hair, a sharp yet gentle look in her eyes, and a smile that makes her seemed so nice.

How come Ulysses never talk about her?

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon