𝕿𝖜𝖔 𝕻𝖗𝖎𝖓𝖈𝖊𝖘
Taguig, Philippines
Ilang segundong hindi nagfunction ang utak ko sa narinig. Nakatitig lang ako sa babaeng nasa harapan habang mas lumawak pa ang kanyang ngisi nang mapansin na namutla ako at natigilan.
"Shocked are ya?" humalakhak siya. "Hindi ko akalain na ibang klase ka talaga"
Nang tuluyang mapagtanto ang sinabi niya sakin ay mabagal kong nilingon ang lalaking katabi. He then glanced at me from the corner of his eyes at umabante nang lakad papunta sa gilid nang mga babaeng umaalipusta sakin. So he was an acquaintance of them? Why didn't I even think of that.
"Pinakisamahan ka lang sandali at bumigay kana. Pathetic slut!" sigaw niya na sapat para marinig nang lahat.
The feeling of humiliation is nothing compared to the feeling of betrayal. How could they do this just to prove their point?
Hindi ko na magawang ikilos ang katawan ko at nanatili nalang akong nakatayo sa harapan nang lahat. Ang dami dami parin nilang masasakit na salitang sinabi pero parang nag mute ang buong paligid at wala na akong naririnig. Mga pangungutsa at pagtawa nalang ang naririnig ko sa paligid. Unti unti ko nang nararamdaman ang pangangatog nang tuhod ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa pagkabingi ko sa mga salita nilang masasakit. Sa mga tawa nilang hindi tumitigil. Tama na!
"Now people! Alam niyo na kung gaano kalandi ang babaeng nasa harapan niyo! Ang babaeng pilit na lumalapit sa mga lalaking pinapangarap ng lahat pero isang tulad lang niya ang may lakas ng loob. Ilusyunada!" sigaw niya sa buong pool area at dinig ko na rin ang bulung bulungan nang lahat.
"Stop it!" sigaw ko rin. Napayuko ako at napakuyom nang mga palad. Ayoko na.
"Hindi yan totoo! I never dared and I'll never will try to seduce anyone. Mali ang binibintang nyo"
My heart felt it was about to pump out of my chest. It hurts so much.
"Nobody will ever believe you, bitch"
Sa bawat pagmura niya sakin ay para akong pinapaliguan nang putik sa katawan. Pakiramdam ko ay kinakapitan ako ng dumi sa buong katawan kahit na hindi naman totoo ang mga yon.
Bakit walang naniniwala sakin?
Nag iinit na ang gilid nang aking mga mata. Malapit na malapit na akong umiyak ngunit pilit ko parin itong pinipigilan. Hindi ako iiyak sa harapan ng mga mapangutyang mga taong ito.
Ngunit nauubusan na talaga ako ng lakas. Hindi ko na kaya.
Patulo na ang aking luha nang maramdaman ko ang pananahimik nang paligid. Hindi ko siya nasisilayan dahil nakayuko ako at halos nakapikit. Ayoko na. Please.
My tears were about fall when a pair of black leather shoes came and stop beside my feet as I also immediately felt palm touched and covered my eyes to prevent my tears from falling. Mariin niyang isiniil ang kanyang palad sa pagtakip sa aking mga mata to the point na bahagya akong napaangat ng ulo. Wala na akong maaninag ngayon kundi kadiliman ngunit naririnig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at mga iilang kaluskos ng kanilang mga kilos.
I also felt a warm body pressing against my back nang hatakin niya ako paurong sakanya. I only knew who it was when he finally spoke.
BINABASA MO ANG
Dark Side of the Castle (Complete version)
Romance𝙽𝚘𝚝𝚎: 𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚊 𝚁𝚘𝚖𝚊𝚗𝚌𝚎 𝚐𝚎𝚗𝚛𝚎 𝚗𝚘𝚝 𝚊 𝚏𝚊𝚗𝚝𝚊𝚜𝚢 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 ❤ Everything has a shadow as everyone has a secret. No one in this world always lives in the light. No one lives without anything hidden. Each and every person...