Chapter 33

23 2 0
                                    

                    𝕬𝖓𝖔𝖙𝖍𝖊𝖗 𝕸𝖎𝖘𝖙𝖆𝖐𝖊

Manchester, England

I'm seriously looking at my reflection on a golden oval shape mirror hanged on the wall. Tinitigan ko ang aking sarili at pinagmasdan ang ayos nang aking mukha at katawan.

Nakahati at nakatali sa gitna ang aking buhok at inipitan iyon nang isang pulang laso. Ang kalahati nang buhok kong nakalugay ay kulot parin ang ilalim. Nagbalik na ang dati kong itsura. Napangiwi ako.

Wala na rin namang rason para itago ko pa ang sarili ko. Wala na ang taong tinataguan at tinatakasan ko.

Tinitigan ko rin ang dress na suot ko. Simpleng maroon colored lace skater dress na off shoulder. Hinaplos ko ng mabagal ang aking leeg at isinasaisip kung isusuot ko ba itong sapphire pendant na binigay ni kuya.

Nakapatong ang box na lalagyanan nito sa tall table sa ibaba ng salamin.

Nagdadalawang isip talaga ako. Inaalala ko si ate Irene. Alam kong masasaktan siya.

Kasalukuyan na akong nandito sa isang suite sa Sapphire hotel kung saan gagananapin ang party mamayang alas sais. Ang lugar kung saan ko unang nakita at nakilala si Ulysses. I'm back at this place again too.

I wondered why kuya decided to celebrate his birthday here but I didn't asked. Knowing na baka inis nanaman siya sa pagiging makulit ko. Considering kung anong nangyari kahapon.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan kaya mabilis ko nang hinablot yung kwintas sa box at mabilis na isinuot sa aking leeg. Bago ako lumingon para buksan ang pintuan ay nadako ang tingin ko sa aking tenga. Hindi ko parin nagawang alisin ang hikaw na iniligay ni Ulysses. Kaya wala akong nagawa kundi tabunan nalang ng aking buhok ang tenga ko.

Pinihit ko ang doorknob at hinila ang pinto pabukas. Si Lily pala.

"Iva ready ka na ba?" aniya nang makita ang mukha ko. Ngumisi siya at pinasadahan ng titig ang buo kong katawan.

"Pretty as always!" magiliw niyang komento at hinawakan na ang braso ko sabay hila sakin sa hallway.

"Kanina ka pa hinihintay nina lola mo sa baba. Magpipicture taking muna daw kayo sa isang studio room bago magstart ang party" pag e-explain niya habang patuloy akong hinahatak.

Hindi na ako kumibo at sumunod nalang sakanyang paghatak. Nang bigyan ko nang pansin ang paligid kung nasan kami ay bigla kong naalala ang lugar na to.

Nasa second floor kami nang hotel kung saan ginanap ang ikalawang parte ng celebration ni Ulysses noon. It was this place a year ago.

Habang naglalakad sa hallway ay napako ang aking pansin sa malaking glass door sa kabilang isle. Doon iyon nangyari. Doon nangyari ang una naming pagkikita. At sa likod nang malaking glass window na iyon ay ang lugar kung saan kami nagtungo nang kami lang dalawa.

Tila bumagal ang lahat sa aking paningin nang alalahanin ko ang mga panahon na yon. Parang nagslow mo ang lakad namin ni Lily habang nagf-flashback sa utak ko ang mga alaala ko na kasama ko si Ulysses... Bakit?

Ikinurap ko ang mga mata ko nang maimagine ko si Ulysses na nakatingin sakin mula roon sa glass door at nakangiti sakin tulad nang ngiti niya noong nakaraang taon. I should forget this. I should forget him.

Dark Side of the Castle (Complete version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon