Kasagsagan parin ang pananakop ng mga pwersa ng kadilima sa buong kaharian ng apolonia.
Kasalukuyang nagapahinga ang grupo sa lihim na lokasyon ng mga survivor sa Banker ng beast keeper clan kung saan naroon ang big 5.
Dahil sa kawalan ng sapat na Potion o elixir na makukuha sa kaharian at halos lahat ng gamot ay walang bisa sa kakaibang sugat na tinamo ng mga biktima ay halos mawalan na din ng pag asa ang lahat na magagamot pa ang mga sugatan.
Habang magkakaharap sa lamesa si petra,laddisloth,loreka at chevyraura.
“nangangamba na ko.baka hindi na rin gumaling ang mga master.”sabi ni loreka.
“teka sandali,naisip ko lang.kung kampon ng kadiliman ang mga kalaban natin.baka naman mapagaling sila ng tubig mula sa kalis.
Naalala mo mahal,nakakalinis ng masasamng elemento ang tubig mula sa kalis,basta wag lang iinumin ay hindi nito maapektuhan ang pagbura sa alala.”sabi ni petra.
“Posible nga kaya,sa simpleng paghugas ay mapapagaling natin sila?”sabi ni laddisloth.
“baka lang.kasi kung tutuusin parang mantcha lang ng kadiliman ang kanilng mga sugat na gawa ng mga kawal ng kadiliman.parang ganun.”sabi ni petra.
“wala naman sigurong mawawala kung susubukan natin.sabi naman ng matanda sa bukal ganun ang paggamit.
Ngayon natin makikita kung totoo ang sinasabi nya.”sabi ni laddisloth.“anong ibig ninyong sabihin?”sabi ni loreka.
“sana gumana to.bigyan nyo ako ng tubig.”sabi ni petra at kinuha ang kalis sa loob ng kanilang bag.
Pinuno ng tubig ang kalis at unang hinugasan ang sugatnsa dibdib ni bakster lion ang pinuno ng silver light clan.
Habang binubuhusan ng tubig mula sa kalis ang malalim at at namamagang sugat ay ikinagulat nila ang resulta.
Dahil kasabay ng umaagos na tubig sa dibdib ng clan master ay parang ding napapalis ang sugat at napakabilis na gumagaling kasabay ng itim na usok na lumalabas sa sugat na dumadampi sa tubig.
“wow!!!.totoo nga mahal!!.”gulat ni petra.
“um um tama.”sabi ni laddisloth.
“Hahaha.ayos,!!!. Gagaling na ang master bakster at ang iba pa.nasa inyo lang pala ang lunas na ilang araw na natin hinahanap sa kaharian.”sabi ni loreka.
“hindi rin ako makapaniwala.”sbi ni petra.
“Kung ganon totoo din talaga ang book of light.hindi nagloloko si tatang.”sabi ni laddisloth.
“Salamat naman sa bathala at ipinagkaloob nya sa inyo ang lunas sa mga pinsala ng mga mandirigma.”sabi ni chevyraura.
Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi sila nag aksaya ng oras para paliguan ang lahat ng pasyente gamit ang kalis.
Maging sila ay naligo sa tubig ng kalis upang protektahan sila sa mantcha ng kadiliman.
At sa maiikling panahon ay isa isa nang gumigising ang mga pasyente.
Unang dumilat si bakaster.
“salamat naman at gumising ka na master bakster.”sabi ni chevyraura.
“uugghh para akong nalunod sa kadiliman.anong nangyari?”sabi ni bakster.
“Naitakas po kayo ng ibang kasamahan natin sa pakikipaglaban.nandito po kayo sa banker ng beastkeeper clan.”sabi ni chevyraura.
“Kamusta na ang pakiramdam mo kaibigan?”sabi ni laddisloth.
“Medyo masmaayos na kaysa doon sa kadiliman.
Ang mga halimaw na yun,hindi na sila mga tao,napakalakas nila.parang mga mini boss level o baka nga masmalakas pa.
Hindi masukat ng aming pangdama ang kanilang lakas.
Kailangan na natin makalikas dito at humingi ng tulong sa ibang kaharian.
Dahil ako mismo ang kumalaban sa hari.
Uhaw na uhaw sya sa dugo.napakabilis at napakalakas,kaya maswertelang akong nakaligtas.
Mga kampon sila ng demonyo.”sabi ni bakster.