Alam ng mga clan leader na hindi magiging mabait ang hari sa sandaling malaman nito na nawawala ang kanilang alay,at posible din na muling pagpadukot ng panibagong iaalay.
Kayat nagpadala sila ng grupo na maglalagay ng permanenteng silence spell sa lagusan upang pagtakpan ang lagabag ng muton demon sa pinto at ang maingay nitong mga ungol.
Sa ganitong paraan ay maiiwasan na magduda ang mga adventurer kung wala silang naririnig sa muton.
Kayat matapos ang gabi ng pakikipagusap kay laddis na noon ay nagpanggap na joker ay hindi na nag aksya pa ng panahon ang mga ito.
Mabilis na naselyohan ang gate ng boss room sa floor 61 habang patuloy parin ang pagwawala ng muton.
At dahil sa.panunumbalik ng katahimikan sa boss room ay nag balik sa dating kalagayan ang ika 61 palapag at wala nang naririnig pa ang mga adventurer na pinipili ang quest doon para makapagpalevel habang naghahanap buhay.
“buti nalang at natahimik na ulit ang muton,karne lang talaga ng tao ang magpapahinahon sa kanya,ika 6 na araw na ngayon buhat ng iwan natin doon ang babae at hanggang ngayon ay wala nang kahit anong balita pa sa guild.”sabi ni gawain.
“mabuti naman,dahil napakahirap magbalita ng pangit sa hari.kung hindi nanaman.nagtagumpay ang muton sa pagkain ng kanyang alay ay nasisiguro kong babalik ulit tayo doon.”sabi ni rombus.
“tahimik nanaman ang panibagong isang taon,paulit ulit natin itong ginagawa taon taon,kaya sa susunod masmabuti nang nakatali ang mga alay.”sabi ni eula.
“magkanya kanya na muna tayo habang wala pang ipinag uutos ang hari,babalik na muna ulit ako sa aming mansyon.”sabi ni freya na level 91.
“mabuti pa nga,bahala na muna kayo sa mga sarili nyo.basta ako,pipilitin kong maging level 100.para panatilihin ang aking pangunguna sa larangan ng mga adventurer dito sa ating kaharian.”sabi ni rombus na noon ay pinakamataas ang level sa lahat ng adventurer sa kaharian,sya palang ang may hawak ng level 95 sa buong talaan ng guild.
“napapagod na akong magpalevel pa. Dahil wala na din naman mapiga sa mga halimaw na level 65.
kaya magpapakasaya nalang ako.”sabi ni gwain na level 92 naman.“ako naman,tutulungan ko nalang ang mga kaclan ko,para kumita pa ng masmaraming pera sa masmahihirap na quest.tutal at napakadali na para sa atin ng ika 60 palapag.wala pa naman nakalalagpas sa ika 61 palapag ng kahit anong dungeon.”sabin ni eula na noon ay level 91 din.
Naghiwahiwalay ang apat na madalas nilang gawin tuwing matatapos ang kanilang misyon sa hari na may kapalit na napakalaking halaga ng geni na kanilang pinaghahatian.
Sinimulan naman ni laddis ang mga sikretong lakad nito laban sa hari.
Una nyang pinerwisyo ang mga swapang na negosyanteng nagpapahirap sa mga mamamayang manggagawa dahil may pahintulot ng hari ang mapang abusong paraan ng mga ito na binayaran nila ng malalaking halaga.
Lihim na pinasok ni laddis ang malalaking pabrika at imbakan ng mga negosyante.
Matagumpay at isa isang sinunog ang mga ito pinalabas na aksidente.
Kayat nasaktan ang bulsa ng hari dahil sa pagtigil ng mga ilegal na mga operasyon,gaya ng illegal logging,illegal food storage,gumbling den,alchemic fuel supply mula sa mga dorobong kumpanya at illegal drugs, na lahat ay legal sa hari.
Sa loob ng 8 araw ay niyanig ni laddis ang upuan ng hari at ng mga negosyante.
Kayat galit na galit ang mga ito sa pagkaantala ng kanilang operasyon sa pagkasunog ng kani kanilang pabrika at establisimento.