Narating na ng muton demon ang ika 45 palapag at nagdulot ito ng takot sa mga adventurer.
At tinitipon nito ang lahat ng halimaw na yuyuko at susunod sa kanya habang pinapatay naman ang mga pasaway at palaban.
Kasalukuyan nang ikinakasa ng limang malalaking clan ang pinakamalalakas nilang tauhan at magkakasamang gumagawa ng mga plano at paghahanda sa lugar na pagdadausan ng labanan.
Habang ang hari ay wala parin nalalaman sa nangyayari dahil lahat ng nakakaligtas sa muton ay pansamantalang dinadakip at pinapakiusapan ng mga leader ng clan upang manatiling tahimik at iniingganya na sumali sa paparating na pakikipaglaban sa muton.
Patuloy ang hari sa pagtatamasa ng masarap na buhay at patuloy din sa pangloloko ng kanyang nasasakupan at pangaabuso.
“May naaamoy ako,mabalihibong nilalang.parang amoy aso pero hindi aso.”sabi ni aslan.
“heto nanaman po tayo.”sabi ni shelly.
“wag kang matakot,hindi mo ba napapansin na lumalakas na tayong tatlo,hindi na tayo tulad ng dati.
Kaya ko nang sumabay sa kanila, minsan masmabilis pa nga ako sa kanila,masmatibay at masmalakas na rin ang katawan ko sa dami ng nakain ko at pinagsama samang kakayahan,lalu na ngayon tumibay ang buto ko na parang adamant.
Ikaw naman,mabagsik na lahat ng magic mo.lalu na ang pamatay mong wind spear,malakas,mabilis at matulis.daig pa ang pwersa ng pinakamalakas na palaso at balista.
Ganun din si ate petra,hindi na bastabasta ang mga skills nya sa lance.konting training na lang ng lance style.magiging nakakatakot na kalaban na sya.
Lahat tayo ay nagsimula sa pagiging mahina.pero habang palapit tayo ng palapit sa itaas ay masnagiging malakas at mahusay tayong lahat.
Magtiwala ka sa kakayahan natin,kinaya natin sa ika 129 palapag.kakayanin din natin dito at sa iba pang palapag,dahil habang umaakyat tayo ay maslumalakas tayo at humihina naman ang mga kalaban.”sabi ni aslan.“naniniwala naman ako,,walang tatalo satin.ho ho ho.”sabi ni shelly.
“hihihi.oo tama.kaya natin ito.”sabi ni petra.
L
“ano nang plano?”sabi ni shelly.“edi dating gawi.ako muna ang papasok.aalamin ko kung ano itong naamoy kong halimaw."sabi ni aslan.
“Teka sandali at aalamin ko kung nasaan sya.”sabi ni shelly at ginamit ang kanyang air sense..
“mag iingat ka.may dalawa akong naramdaman sa banda dito at isa doon.masmalaki sila sa mga taong aso doon sa lugar ni ate petra.
Mag iingat ka,maliit lang din itong chamber.madali silang magkikita kita kapag naramdaman ka nila”sabi ni shelly.“ok salamat shelly.sisilipin ko nalang mula sa itas.”sabi ni aslan.
dahan dahan na gumapang sa kisame si aslan upang makita ang kanilang kalaban.
Matapos ang 30 minuto sa itaas ng kisame ay muling bumalik sa tunnel.
“mga taong liyon Sila,mabalahibong taong liyon,at mukang mapanganib sila,baka mabilis din sila tulad ng mga aso na kinalaban natin.
palagay ko.ganun din ang gagawin nati kung paano natin tinalo yung mga aso.”sabi ni aslan.“Pero mahirap gawin dito yun.maliit lang itong terotoryong ito,,imposibleng hindi natin matawag ang iba kapag nagwala na sila.”sabi ni shelly.
“edi gawin natin ng walang ingay.”sabi ni aslan.
“paano?”sabi ni shelly.
“hindi naman sila makakasigaw sa restrainer capping at hindi rin naman natin sila kailangan sagupain.
Manggigilid lang tayo,at kung may nakaharang lang tsaka tayo lalaban.Yung mabilis na pagpatay.”sabi ni aslan.