Dahan dahan ang pagdilat ng mata ng binata mula sa kanyang biglaang pagtulog.
At sa pagdilat ng kanyang mga mata.
“Huh?!sino ka?”sabi ni aslan.“Ako ay ikaw at ikaw ay ako.pareho tayo sa lahat ng bagay at ako ang unang pagsubok para sayo.
Hindi ako magiging mabait,dahil sa sandaling matalo kita ay aariin ko ang iyong katawang lupa,pangako ito ng aking amo.”sabi ng buyayi(nightmare doppelganger lvl 170) (exodus magiron).Dali daling bumangon si aslan at naghanda.
Sinubukan nyang gamitin ang kanyang mga kakayahan.
“eh?!.anong nangyayari bakit hindi gumagana ang mga kakayahan ko.”sabi ni aslan sa isipan.
“mukang gulat na gulat ka.hahaha.siguro ay nagtataka ka kung bakit wala kang kapangyarihan.
Sa mundong ito,pareho tayong ordinaryong nilalang.
Sa sandaling manalo ka,bibigyan kita ng isang kakayahan sa loob ng mundong ito para magamit mo upang iligtas ang mga kaibigan mo.
Ibig kong sabihin lang ay maglalaban tayo ng patas,kamao sa kamao at pangil sa pangil.”sabi ng buyayi at Biglang salakay nito.Naglaban ang dalawa na may patas na kakayahan,ngunit sagad sa kasamaan ang buyayi,kayat unti unti ay nananalo ito sa pandaraya kasabay ng mga salita na nakagugulo sa isipan ng binata.
“kailangan kitang taluhin.para sa katahimikan ng masmarami.hindi kita hahayaan na kunin ang katawan ko.”sabi ni aslan na noon ay ginagapi ng kalaban.
“para sa masnakakarami?wahahaha!!!.,nasisiraan ka na ba.mga wala silang kwenta.hindi ka ba nadadala na ginawa ka nilang alay.
Ilan pa sa kanila ang tatawa sayo?,akala mo ba ay kahangahanga ka.tatawanan ka lang nila.mahina ka.
Ang mga katulad mo ay walang lugar sa lipunan ,ang putik ay mananatiling putik.
Hindi mo ba nakikita magkasing lakas tayo,pero ni hindi mo magawang makatama sa akin.
Dahil ikaw mismo sa sarili mo ay may bahaging duwag,mahina at walang tiwala sa sarili.
Hindi mo yun maitatanggi dahil yun ka talaga..wahahaha!!wahahaha.”sabi ng buyayi habang patuloy na nakalalamang sa kanilang laban at inilalampaso si aslan.Patuloy ang malalakas na tama ng mga pisikal na pag atake ng buyayi kay aslan.
“aahhhhh paanong,masmalakas pa sya sakin,hindi totoong magkapantay kami.niloloko lang ba nya ko?hanggang dito nalang ba ako.ha-ha-haaa”sabi ni aslan na noon ay pinang hihinaan na ng loob habang bumabangon sa pagkakabulusok at iniinda ang sakit ng katawan.
Samatala nang mga oras na iyon ay nakarating na ang lagim ng kasamaan sa sandako village kung saan kasalukuyang nagkakagulo ang mga tao na harapan na sinasalakay ng mga kampon ng kadiliman habang lumalalim ang dapit hapon.
“Inay!!!itay!!may mga dyablo po sa bukana.nagkakagulo na po doon.magmadali po kayo,nagsisilikas na po ang ating mga kabaryo.bilisan po natin at napakabilis nilang mga nilalang.”sabi ni mundasa.panganay na kapatid ni aslan.
Naalarma ang buong pamIlya ng kanok sa kanilang compound na may kalayuan sa mga kabahayan.
Nasagap narin ni kimbad ang balita na noon ay kasunod lang ni mundasa.
“Magmadali tayo mahal,anak wulan wag kang lalayo sa amin ng nanay.”sabi ni kimbad.“ano bang nang yayari mahal?”sabi ni sagira.
“Ayon sa kababaryo natin na nanggaling doon sa capital,nasakop na daw ng mga kampon ng kadiliman ang buong kapital at kasalukuyan nang kumakalat ang mga ito at ngayon ay nandito na sa atin.
Wala daw awa ang mga ito,na nasaksihan ko din.
Magmadali na tayo mahal.”sabi ni kimbad.Dali dali silang nagimpake at tinahak ang landas paakyat sa kabundukan upang doon magtago kasama ng iba pang tumatakas.
“inay,itay saan na po tayo ngayon titira kung iiwan po natin ang bahay,sino na po ang mag aalaga sa mga hayop at pananim natin.”sabi ni wulan.