“Umaga na mahal,umalis na rin sila.kahit ang kabayo ay nakisama sa pagtatago natin dahil sa takot.
Tayo nang magmadali.”sabi ni petra.“sige tayo na.”sabi ni laddisloth habang hinihila palabas ng yungib ang kabayo.
Unang lumabas si petra sa pag aakalang ligtas na ang paligid sa pagputok ng araw sa pagbubukang liwayway.
Maykadiliman pa ang paligid
Nang biglang sumalakay ang isang Mabagsik at gutom na ghoul(mindless vampires level 65).
Agad nito sinunggaban si petra na noon ay hindi nakahanda.
Napasigaw nalang si petra at pilit na pinipigilan ang ulo ng ghoul na malapit nang kumagat sa kanyang leeg.
Agad naman nakita iyon ni laddisloth at dali daling sinipa sa muka ang ghoul.
Tumilapon ang ghoul sa lupa at nagpalingalinga matapos na bumangon para sumalakay muli.
Ngunit natanaw nito ang kabayo.tila alam ng ghoul na masmapanganib na harapin si laddisloth kayat nabaling ang interes sa kabayo.
Mabilis nitong sinunggaban ang kabayo na parang gutom na gutom na hayop.
Isasalba pa sana ni laddisloth ang kabayo,ngunit sadyang mabilis ang ghoul at kinaladkad ang kabayo habang kagat sa batok nito.
“ang kabayo natin!!!.”sabi ni petra.
Sinubukan habulin ni laddiloth ang ghoul habang tinatangay ang kabayo,ngunit nagawa nitong dalin sa isa pang masmalaking yungib ang kabayo bago pa tuluyan sumikat ang araw.
“bwiset!!.ang bilis at ang lakas nya.”sabi ni laddisloth.
“ha-ha-ha(hingal)..kawawa naman ang kabayo natin.huhuhu.”naiyak sa awa si petra.
“Delikado na kung susundan pa natin sya sa dilim,baka may mga kasama pa sya.
Tumuloy na tayo habang maaga pa at nang makarating tayo agad sa mercuria.”sabi ni laddisloth.“paalam kabayo.patawad at hindi ka namin nailigtas.salamat sa serbisyo mo.”sabi ni petra at nagpatuloy na ang dalawa sa paglalakabay.
Habang nasa daan at nagmamadaling lumayo sa mga bahagi ng lupa na nakukublihan ng araw.
“mahal subukan mo kayang magpadala ulit ng mansahe kay aslan.”sabi ni laddisloth.
“huh?!.ngayon na nabanggit mo yan.ngayon ko lang din napansin na hindi pa bumabalik ang falcon natin.
Hindi ko alam kung nadala ba nya ang mensahe,sandali at tatawagin ko.”sabi ni petra.
Ginamit ni petra ng route magic para tawagin ang falcon.
Apat na ulit na ginawa ni petra ngunit walang falcon ang lumalabas.
“bakit anong nangyari sa falcon natin?”sabi ni laddisloth.
“Hindi ko din alam.pero ayaw talaga eh.hindi ko sya makapa.”sabi ni petra.
“sige susubukan ko.masmalakas ang bindi namin dalawa.”sabi ni laddisloth at sya naman ang tumawag sa falcon.
“Tsk tsk!!.hindi na talaga natin sya matatawag.wala na ang bind ko sa kanya.maaring napatay sya ng mga mangangaso.”sabi ni laddisloth.
“Kaya naman pala napakatagal na ay hindi pa sya bumabalik.
Hindi kaya sinasabuthe din ng kaharian ang mga mensaherong ibon.”sabi ni petra.“siguro nga.kailangan natin magpadala ulit ng mensahe kila aslan.”sabi ni laddisloth.
“mahihirapan na tayo,dahil kailangan na makilala muna sila ng bagong ibon na kukunin natin para maglink sila.”sabi ni petra.