Wala parin nakakaalam sa pagwawala ng muton, dahil sa sound sealing spell na nakalagay sa pinto ng boss room.
At ang araw na kinakatakutan ng hari ay naganap na,habang ang iba na naghihitay sa pagkasira ng pinto ay nagsisipaghanda na rin sa paglabas ng muton sa ibabaw ng lupa.
Walang ibang nakakalaam sa pagkawasak ng pinto kundi ang limang malalaking clan at si laddis.
Habang ang hari ay nananatiling salat sa katotohanan dahil maging ang apat na private guards na inaasahan sa kanyang masasamang gawain ay kanyang idiinin sa kasalanan at kinalaban.
Kasalukuyan nang nakakawala ang muton sa kanyang labyrinth at nagwawala sa ika 61 palapag hindi nito pinaliligtas ang sino mang makita,kayat walang nakakalabas na buhay sa sandaling pasukin nila ang ika 61 palapag na ngayon ay nililibutan ng muton.
Silang mga inatasan ng limang leader ng malalaking clan lamang ang ligtas na nakakasubaybay sa ginagawa ng muton.
Dahil sa impormasyon na iyon ay naghahanda na ng pinakamalalakas nilang mga clan members ang limang malalaking clan para sa pakikipagharap na kanilang inaabangan.
Tahimik at patuloy lang na nasumusunod sa agos ng batas sa kaharian ang mga clan na ito,ngunit naghihintay din ng pagkakataon para turuan ng liksyon ang hari.
Narating nila aslan ang susunod na chamber,ito ay isa lamang malawak na kapatagan ng lupa at mula sa kanilang kinatatayuang lagusan ay matatanaw din sa kabilang direksyon ang lagusan palabas.
Ngunit ang nakapagtataka ay walang halimaw sa chamber na iyon gayung may mga tinig at mga yabag ng paa ang kanilang naririnig bago nila narating ang lagusan.
Matagal na nagmasid ang tatlo sa buong paligid ng tahimik at walang laman na chamber.
Nang ihakbang nila ang kanilang mga paa sa loob ng chamber at marating ang kalagitnaan,ay biglang nagliwanag ang lupa at umahon sa spell gate ang halimaw na mino(level 129).
“isa itong patibong.balik sa tunnel!”sigaw ni aslan.
Agad na tumakbo pabalik sa tunnel ang tatlo.
Agad din humabol ang malaking mino at habang humahabol ay nagsipagliwanag pang muli sa ibat ibang bahagi ng lupa ang 10 maliliit na spell gate.
Naglabasan sa mga spell gate ang mga minions ng mino na kung tawagin ay mino jr(level 128),maliit na version ito ng mino na parang mga anak.
Dumami ang humahabol sa kanila na nanggagaling sa ibat ibang lokasyon ng patag na lupa.
“bilisan nyo!!.dumami na sila.”sabi ni aslan.hanggang sa nakabalik muli ang tatlo sa tunnel at bago pa makapasok sa loob ng tunnel ang mga mino jr na kasing lalaki ng tao ay agad na naagapan ni aslan ng limang layer ng mithril cage.
Armado ng dual pick axe ang mga mino jr,habang ang mino ay armado ng giant axe.
Doble ang laki ng mino sa mga mino jr.kayat hindi ito kasya sa mga tunnel.kungkayat nakulong na ito sa chamber na iyon ng mahabang panahon at gumawa ng mga anak sa sarili nyang laman.
13 malalakas na mino jr ang sumisira sa mithril cage.
“hindi ba tayo delikado dito,baka mawasak nila ang mga cage.”sabi ni shelly.
“Sa tingin ko hindi naman.nakikita mo ba.tumatalbog lang ang palakol nila sa mga rehas.
maswerte tayo at mayaman sa matigas na metal ang lupa dito.ito yung metal na masmatigas pa sa steel.”sabi ni aslan.“Kung ganon hindi dapat tayo mag aksaya ng panahon.bawasan natin sila ng isa isa habang abala sila sa mga rehas.”sabi ni shelly.
“sisimulan ko na.”sabi ni petra at nagsimulang saksakin ang mga mino jr gamit ang kanyang energy lance blow.