Nahanap nila aslan ang maliit na lagusan,para mapasok iyon ay kailangan na gapangin.
Ito ang lagusan na tinutukoy sa mapa.
Mahigsi lang ang lagusan ngunit sadyang masikip.“Nasisilip ko yung liwanag sa kabila ng butas.mauuna ako para makita ko kung ano ang meron doon sa kabila.”sabi ni aslan.
Napahawak sa kamay ni aslan si shelly.
“Natatakot ako aslan,baka hindi na ako makaalis dyan.masikip eh.”sabi ni shelly na noon ay nanginginig at ramdam iyon ni aslan.
“kailangan mo itong gawin,pangako babantayan kita.”sabi ni aslan.
“natatakot talaga ako,kasi takot ako sa masisikip.kaya nga natakot ako noong subukan mo sakin ang coffin cage”sabi ni shelly.
“naiintindihan kita.pero hindi na tayo makakaatras pa.malayo na ang nilakad natin para dito.
Kasama mo kami,magtiwala ka at hindi ka namin pababayaan.lalu na ako,hindi kita iiwan pangako yan.
Labanan mo ang takot mo.magtiwala ka na kaya mo,isipin mo na malapit lang akong naghihitay sayo doon sa kabila.
Mauuna na ako.tapos sumunod ka.”sabi ni aslan.“Sige susubukan ko.”sabi ni shelly na nanginginig parin.
Aalis na sana si aslan at lulusot sa lagusan ng bigla syang yakapin ni shelly.
“Sandali lang,kinakabahan talaga ako eh.dito ka muna.”sabi ni shelly at malambing na yumakap kay aslan,lumuluha sa matinding kaba.
“tahan na,hindi naman kita iiwan eh.hindi ako aalis doon sa dulo.titignan kita hanggang sa makarating ka.sa akin ka lang tumingin kapag natatakot ka.
Mahigsi lang yan.kumpara sa napakahabang tunnel na pinapasok natin,kumpara sa mga halimaw na kinalaban natin.
Hindi natin iniwan ang isat isa.dito pa ba,wag ka nang umiyak hindi kita pababayan.”sabi ni aslan.Dahan dahan na kumalma ang kalooban ni shelly habang nakayakap ito kay aslan at dindama ang siguridad ng mga salita ni aslan.
“ok,handa na ko.salamat pinagaan mo ang loob ko.mag iingat ka.”sabi ni shelly at hinalikan sa labi si aslan.
“Ang sarap talaga ng may minamahal.haay nakakaingit.”sabi ni petra.
Pinasok ni aslan ang masikip na lagusan hanggang sa marating nito ang kabilang lagusan.
“Whooaow buti nalang pala humarap ako,kumunoy pala itong nasaharap.”sabi ni aslan habang tinitignan ang kumunoy sa malawak na butas,pataas ang butas,at sa malaking butas na ito ay may hagdan paakyat na nakaikot sa dingding ng pader na butas.
“ok na,pwede na kayong sumunod.ligtas naman dito.”sabi ni aslan.
Agad na sumunod si shelly at pinanglalabanan ang takot.
Habang palayo ito ng palayo sa pinasukan ay patindi din ng patindi ang kanyang takot.
Hanggang sa umiiyak na ang dalaga dahil sa takot nya sa masikip na lagusang iyon.
“shelly ayos lang yan.nandito ako nakatingin ako sayo,kumalma ka nandito lang ako.hindi kita papabayaan.”suporta ni aslan.
“Huhuhuhu.hindi ko na kaya aslan.huhu.natatakot na ko.huhuhu.”iyak ni shelly at hindi na makagalaw sa sobrang takot nito.
Kayat na bahala na si aslan at napilitan gumawa ng paraan.
“shelly!Shelly makinig ka,kumalma ka at kukunin kita dya,mahiga ka at iunat mo sa akin ang kamay mo tapos pumikit ka.ako nang bahala hihilahin kita.
Wag kang matakot hindi kita pababayaan.”sabi ni aslan.Dahan dahan na sinunod ni shelly si aslan kahit nanginginig at naninigas ang mga hita at braso sa takot.
Ginamit ni aslan ang kanyang sapoy upang maabot ang mga kamay ni shelly,at dahan dahan na hinila,hanggang sa mailabas sa loob ng masikip na lagusan.