Habang umuulan ng malakas.
“Pasensya na kayo at nasaksihan nyo pa ang pananabutahe ko.pero nagpapasalamat ako at nakita ko kayo.
Masmakakabuti siguro kung sa ibang lugar nalang tayo mag usap usap gusto ko rin malaman ang kwento ninyo,kung paano kayo nakaligtas doon sa loob.
Saan ba kayo papunta?”sabi ni laddis.“papunta kami sa sandako sa lugar nila aslan.
Sya nga pala si aslan at ang kasintahan nya si shelly.sila ang tumulong sa akin para makalabas sa dungeon.
kahapon lang kami nakalabas”sabi ni petra.“maraming salamat sa inyo mga kaibigan,malaki ang utang ko sa inyo at ibinalik nyo sa akin ang mahal ko.sige sasama nalang ako sa inyo,lumipat kayo sa wagon ko.at doon na kayo sumakay.ako na ang maghahatid sa inyo.”sabi ni laddis.
“sige ako nalang ang babalik doon,papasinungalingan ko ang paghabol kunwari sayo kuya.
Kailangan kong balikan ang mga gamit namin.”sabi ni aslan.“Hihintayin ka namin doon sa likod ng malaking puno na yun.nandoon ang wagon ko.”sabi ni laddis.
Agad bumalik si aslan sa wagon.
“maraming salamat,Anong nangyari kaibigan,nasaan ang kriminal na iyon.”sabi ng kolektor.
“nakatakas sya.pero hinahabol sya ng mga kasama ko,hindi na kami makakasabay pa sa inyo at kailangan ko silang sundan kukunin ko lang ang mga gamit namin.
Hindi namin patatakasin ang kriminal na iyon.”sabi ni aslan.“Maraming salamat sayo kaibigan,iniligtas nyo ang buhay ko,sisiguraduhin kong paparangalan kayo ng hari sakaling magkita tayong muli sa kaharian.”sabi ng kolektor na paniwalang paniwala sa salita ni aslan.
Agad na umalis si aslan at nagtungo sa kinaroroonan nila shelly.
“anong nangyari?,naniwala ba sila?”sabi ni shelly.
“Sa tingin ko oo,mukang paniwalang paniwala naman yung lalake tsak yung mga kasama natin sa loob.”sabsabi ni aslan.
“haay,buti naman.kasi nakilala nila tayo.”sabi ni shelly.
Nag iba ng ruta ang wagon nila laddis patungo sa sandako village at habang nasa daan ay ikinukwento ni petra at shelly ang buong nangyari kung paano sila napunta sa sanctuary hanggang sa makalabas.
Humahanga si laddis sa lakas ng loob at husay ng tatlo at nagawa nilang makalabas sa marahas na dungeon.Kayat matapos magkwento nila petra ay isniwalat naman ni laddis ang iba pa nyang nalalaman tungkol sa mga katiwalian ng hari na lalong nagpa sama sa mata nila aslan.
“dumadami ang tao na dapat nating habulin at pagbayarin,masmahirap na ngayon ang misyon natin,kahit itinakwil na ng hari ang apat na kriminal na brigadang iyon,kalaban parin natin sila na dapat pagbayarin sa kasalanan nila sa atin.
Pero ang dapat natin mapabagsak ay ang hari.”sabi ni aslan.“Wag kang mag alala,kasama mo ako palagi at hindi ako hihiwalay sayo.”sabi ni shelly.
“mapanganib ito shelly,at dahil dito ay hindi agad tayo makakasal, sasama ka parin ba sakin.”sabi ni aslan.
“oo naman,kaya nga habang buhay di ba.tsaka maslalo nang dapat kitang bantayan,baka mamaya makahanap ka pa ng iba.lagot ka sakin.”sabi ni shelly.
“hahaha,nabaliw ka nanaman,sayo lang ako,sayong sayo lang.”sabi ni aslan at niyakap naman ni shelly.
“Hahaha.kayo talagang dalawa,hindi na ko ngayon maiingit sa inyo.nandito na ang mahal ko.”sabi ni petra sabay yakap kay laddis.
Nagtawanan ang magkakaibign at kitang kita ang kaligayahan kay petra.
“Sya nga pala,kasama din natin ang limang leader ng pinakamalalaking clan sa adhikain na pabagsakin ang hari.
Si druen woodstuck ng beastkeeper clan,si james wheeled ng arm trigger clan,si kite lagondirina ng sky dragon clan,si ox braba ng crocbull clan ,at si bakster lion ng silver light clan.
Kung intensyon nyong gumawa ng pagkilos laban sa hari,sumama nalang kayo sa akin at gawin natin ng unti unti ang pagpapabagsak sa hari.magtulungan tayo,tutulungan ko kayong hanapin ang apat na brigada dahil kalaban ko rin sila.
Kilala ako sa tawag na night joker pero walang nakakakilala sa ak8n kundi ang lima nating kapanalig.
Itinatago ko ang sarili ko sa maskara para panatilihin na ligtas sa ating mga kalaban.”sabi ni laddis.