ang pagbabalik

514 66 5
                                    

Masaya ang naging 15 araw ng kanilang pamamalagi sa sandako village.

At naging mabunga at matagumpay ang kanilang mga pagsasanay at mga bagong kakayahan.

Muli ay naghanda ang magkasintahan upang lisanin ang sandako village at ipagpatuloy ang dakilang misyon.

Sa 15 araw na nagdaan ay naging matalino din ang muton,dahil binigyan nyang panahon ang kanyang mga halimaw upang magpalakas hanggang sa kasalukuyan sa tulong na din ng kanyang kapangyarihan,kayat hindi parin lumalabas sa ikalawang palapag ng creohisya dungeon.

Ganun din naman ang mga adventurer na naghihitay sa labas ng dungeon,patuloy din ang kanilang pagsasanay at pagpapatibay sa dipensa habang hinihintay ang muton at ang hukbo nito.

Samantala,hindi rin gumawa ng iba pang pagkilos si laddis at petra upang sarilinin ang isat isa sa mga pagkakataon na naghihintay din sa paglabas ng muton.

Habang ang grupo ni rombus ay matyagang nakamanman at nagtatago sa kagubatang nakapalibot sa dungeon at naghihintay din sa paglabas ng kanilang alas.

Lahat ay matyagang naghihitay ng pagkakataon.

Samantala,ang salbaheng kolektor ay palagi nang nakabantay sa kuryo ng kaharian upang harangin ang request ng sandako village sa paghingi ng tulong sa guild para sa halimaw na pinakawalan nya sa balon.

Ngunit nabagot sya sa kahihintay ng request,ngunit walang dumarating kayat nagtataka na ang kolektor.

“bakit kaya,hindi pa humihingi ng tulong ang sandako village gayung natuyo na ang tubi ng kanilang balon dahil sa halimaw na pinakawalan ko.malaking pera ang ipinang bayad ko sa halimaw na iyon na binili ko pa sa malayong kaharian.

Kung sabagay mainam yun,baka naman walang marunong magsulat sa kanila hahaha,dapat pala bantayan ko rin ang guild at baka magpadala sila ng pupunta doon.
Konting panahon pa at mapipilitan na silang umalis sa lupain nila.hahaha.
Matutuwa sakin ang hari at makakakuha ako ng masmagandang posisyon sa kaharian.”makamundong kasakiman ng kolektor.

Halos araw araw na kinukulit ng kelektor ang mga impleyado ng kuryo at ang tanggapan ng guild at umuubos ng geni sa kakabayad ng tao,ngunit walang napapala sa kanyang mga inaasahan.karma eka nga.

Sakay ng motorsiklo ay muling nagbalik ang magkasintahan sa capital at pinili nilang mamalagi sa lugar ng mga mahihirap at doon nangupahan ng murang kwarto at doon din itinago ang kanilang motorsiklo.

Mula doon ay nilakad na nila ang kaharian at dinaanan ang mga daanan ng mga pisantes papasok sa mataas na bakod ng kaharian.

Hinanap nila ang adress na ibinigay ni laddis,ipinagtanong tanong hanggang sa matagpuan.

Agad silang sinalubong ni laddis at shelly sa pintuan ng makita silang paparating.

“buti naman nakarating na kayo.”sabi ni petra.

“oo ate,medyo mahigpit sa mga tarangkahan kaya doon kami dumaan sa daanan ng mga pisantes.”sabi ni aslan.

“baki?hindi ba kayo sumakay ng wagon?”sabi ni petra.

“hindi eh.may dala kaming sasakyan.”sabi ni aslan.

“magugulat ka ate,kapag nakita mo,ginawa yun  ni aslan.kakaiba at kami lang ni aslan ang meron sa kasalukuyang panahon.ang astig.”sabi ni shelly.

“kaya naman pala napilitan kayong magtago dahil sisitahin kayo sa pinto.
Di bale.maipapasok nyo rin yon,o heto ipinagawan din namin kayo ng huwad na guild ID para hindi nila isipin na kolorum kayo.”sabi ni laddis.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon