nang makakita ng malagong halaman ay hindi na nito napigilan pa ang pagod sa katawan at hinayaan nang madapa ang sarili.
At doon nawalan ng malay,agad naman bumaba sa likod ni aslan si shelly at agad na inihiga ng maayos si aslan at iniunan sa kanyang kandungan.
“Haaay,aslan maraming salamat,sobrang nakakatakot ang pinagdaanan natin.akala ko talaga katapusan na natin.pero hindi ka sumuko.
Maraming salamat aslan,ako naman ang magbabantay sayo.sige magpahinga ka.utang ko ang buhay ko sayo.”sabi ni shelly habang binabantayan si aslan na noon ay nakatulog sa tindi ng pagod.Pinagmamasdan nya ito habang maingat na hawak ang ulo.
“may mga sugat ka pa pala sa hita,tiniis mong lahat ito habang binubuhat mo pa ko.”sabi ni shelly nang makita nya ang mga sugat sa hita ni aslan na noon ay nagdurugo.kayat hindi napigilan na maluha at mag alala.
Kayat muli itong tumayo para kumuha ng mga dahon ng halaman na maaring ipang gamot at agad na inasikasong gamutin ang mga sugat ni aslan habang natutulog ito.
Nang matapos na lapatan ng lunas ang mga sugat sa binti at hita ni aslan ay nagpahinga na din si shelly.Makaraan ang 2 oras ay muling nagising si shelly ngunit tulog parin si aslan dahil naubos ang lakas nito.
“Tulog parin sya,mukang nasagad ang lakas nya kanina.iiwan na muna kita dito ha.babalik ako agad,siguradong gutom ka paggising mo.”sabi ni shelly.
Sinigurado nitong ligtas si aslan sa kanyang pagtulog bago umalis upang pumatay ng mga ingen at ihanda iyon para kay aslan.
Makaraan ang kalahating oras ay nakabalik din si shelly,nakita nya ang diperensya ng kaya nyang gawin kumpara noon na hindi pa nya nakikilala si aslan.Malaki ang ipinagbago ng kanyang magic at ang tiwala sa kanyang sarili,kayat labis itong nagpapasalamat kay aslan dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na kinatatakutan ang mga ingen at madali na nya itong tinatalo.
Dalawang malalaking ingen cobolt ang dinala ni shelly para kay aslan.
At habang hinihintay na magising ay sinilip ang kanyang stats at skills.
“Wow,level 31 na pala ako dahil doon sa dami ng napatay namin sa pugad nila.
At may bagong skills pala ako.upgrade ng windbolt naging wind spear na sya.hihi.
Ibang klase ka talaga aslan, ikaw ang sandigan ko,kahit saan ka pumunta ay sasamahan kita,ipinapangako ko yan sayo.”sabi ni shelly habang minamasdan ang pagtulog ni aslan.Makaraan ang isang oras pa ay nagising na rin si aslan.
“hihihi aslan!.buti naman at gising ka na.kamusta ka na?”sabi ni shelly.
“nakatulog pala ako,pasensya na ha.hindi ko na napigilan nung makita kong tinigilan na tayo ng mga halimaw doon.”sabi ni aslan.
“ayos lang,nagpapasalamat nga ako sayo kasi hindi ka sumuko,iniligtas mo nanaman ako,nakagat ka pala nila sa binti at hita pero hindi ka parin sumuko at hindi mo parin ako iniwan.
Maraming salamat aslan,halika na kumain na tayo.
Ipinaghuli kita ng dalawang malalaking ingen,siguro naman mabubusog ka dyan.hihi.
Kailangan natin makabawi ng lakas para makabalik tayo doon.alam ko naman na hindi ka magpapapigil.”masayang sabi ni shelly.“Salamat shelly,kailangan natin lagpasan lahat yun kung gusto natin makaalis dito,makakatulong satin na magkaroon ng mga ganoong karanasan para sa susunod ay alam na natin ang dapat gawin at hindi na tayo kakinin ng takot.
Dahan dahan lang ay malalagpasan din natin ang teritoryo nila at ang lahat ng mga pagsubok.”sabi ni aslan.“naniniwala naman ako sayo eh.tsaka ikaw ang baby ko.kung nasaan ka doon din ako.hihihi.
Halika nga baby ko at yayakapin kita.”biro ni shelly at kinulit kulit nanaman si aslan.