Maagang dumating ang 4 na private guards ng hari na syang myembro ng brigada sa himpilan ng oplan sandigan.
Pagpasok palang sa pinto ay parang nakakita ng mga warlords si aslan at napakataas ng pagtingin at paghanga nya sa apat na iyon.na sa itsura palang ay makikita nang malalakas ang mga ito para makayanan na makabili at makapag soot ng mahahalin at pinakamahusay na damit,baluti at sandata ng kaharian.
“Wow,ibang klase pala talaga ang mga high level adventurer.”tahimik at nanlalaki ang mga mata ni aslan habang pinagmamasdan at hinahangaan ang mga ito,at nakuha pang mangarap na isang araw ay magiging katulad din nya ang mga ito.
Hindi na napapansin na pinagmamasdan sya ng apat at kanina pa tinatawag ang kanyang pangalan at nakikipag kamay.
Napapatawa na ang mga ito sa itsura ni aslan na nakatulala at naka nganga.
“huh?!.ah hehe.pasensya na po,ang astig nyo po kasing tignan.hehe.”nahihiyang sabi ni aslan at napakamot nalang sa ulo.
“hihihi.aslan!.ikaw si aslan di ba,kami ang makakasama mo.kami ang level boosting mentor mo.halika na aalis na tayo.ako nga pala si freya ang healing support priestess maasahan mo akong gagabay sayo para pagalingin ang ano mang pinasala na matanggap mo at hindi kita hahayaan na mamatay.
Magiging katulad mo rin ang iba pa naming sinamahan at pinalakas.welcome sa party.”masayang pagsalubong ni freya na malaanghel ang muka,maamo at napakabait.“ako naman si eula ang suppot high wizard. ikinagagalak kitang makilala sanay makatulong ako sayo sa mga oras ng panganib,hindi ko hahayaan na palibutan ka ng maraming halimaw,ako ang uubos sa kanila mula sa malayo.hihi”masayang sabi ni eula na may cute at kaakit akin na muka at katawan sa soot nitong nakahapit na wizard battle robe.
“hey!ako si rumbus ang party tank knight.wag kang kabahan habang ako ang nasaharapan mo.kahit 100 halimaw ay kaya kong pigilan ng aking kalasag.sisiguraduhin kong makaabot ka sa ika 61 palapag at masasaksihan mo ang pakikipaglaban sa boss monster doon.”sabi ni rumbus.
“yo!!.ako si gawain,assault lancer knigh,hindi ko kaya ang ginagawa ni rombus pero nasisiguro ko sayo na kaya kong patayin ng sunod sunod ang 100 halimaw ng walang hirap.”sabi ni gawain.
“wow.napaka astigen nyo naman po,ako po si aslan,nagpapasalamat po ako na tinanggap nyo ang request ko,pangako po gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hindi kayo mahirapan sa pagtulong sa akin.ikinagagalak ko po kayong makilala at makasama.sanay magawa ko din po ang nagagawa ninyo.”mababang loob at punong puno ng paggalang na salita ni aslan.
Nakangiti ang apat na private guards ngunit sa kanilang kalooban ay awang awa sa binata at hiyang hiya sa kanilang gagawin dahil sa napakabait at magalang si aslan.
“lakad na tayo,at malayo pa ang creohissia.”sabi ni rombus.
Habang naglalakad patungo sa creohissia dungeon ay iniiwasan ng apat na makipagkwentuhan kay aslan upang maiwasan na makaramdam sila ng awa at mapalapit pa sa taong kanilang iaalay ng walang kamuwang muwang.
Kasagutan lamang sa mga katanungan at pangangailangan ni aslan ang kanilang binigyan ng pansin.
Ngunit patuloy silang nagpapakita ng kabaitan upang maiwasan na mapalayo ang loob ni aslan at patuloy na magtiwala ito sa kanila.
Mahusay ang kanilang pagpapanggap dahil ginagawa nila ang nararapat na serbisyo ng isang mabuting level booting mentor.
Kayat masaya at kuntento ang binata na ginagawa din ang kanyang makakaya upang hindi maging pabigat sa kanyang mga mentor.
Nakakatanggap sya ng papuri at magagandang salita sa apat na iyon na lalong nagaangat sa kanyang tiwala sa sarili at lakas ng loob.
Hanggang sa masabi nito sa sarili na masaya pala ang buhay ng isang adventurer,may panganib ngunit magiging ligtas sa pagtutulungan ng bawat isa sa party.