ang pangako ng hykyoken

422 59 13
                                    

Matapos ang buong araw at buong magdamag,nayari din ni avic ang apat na full body slim suit fiber armor.

Pagod at puyat ang apat na babae kayat hinayaan na makapagpahinga ni aslan.

Nagtungo si aslan at punmar upang makita ang bukana ng minahan.

Tahimik doon at walang makikitang halimaw sa paligid.

Hindi namamalayan na may mga matang nakatanaw mula sa madilim na bahagi.

Ugali na ng mga hykyokopen na iparating ang ano mang banta ng pananakop sa kanilang reyna sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang mga huni na parang mga ordinaryong insekto lamang.

Sa ganoong paraan mabilis na nararating ng mensahe ang reyna sa kailaliman ng kanilang minahan.

“mahal na reyna,nakakaramfam po ng pananakop sa mga dayuhan na ngayon ay nasa bukana ng ating teritoryo”sabi ng isa sa mga hykyokopen.

“Hayaan nyo silang pumasok,tignan ko.lang kung hanggang sila tatagal bago sila tuluyang matunaw sa aking lason.
Sagrado para atin ang lupang ito,kailangan ko itong protrktahan ng aking buhay.”sabi ng hykyoken.

“Masusunod po kamahalan,ang buong pamilya ay sumusuporta sa inyong desisyon,at handa din po kaming ialay ang aming buhay.”sabhi ng hykyokopen at muling bumalik sa kanyang posisyon sa labas ng chamber ng reyna.

“kailangan kong mahanap ang itinakda para dito,isa itong pangako sa isang taong pinagkakautangan ko ng buhay,hanggang kaylan kaya ako maghihintay sa pagdating ng taong tinutukoy nya na mag mamay ari dito.”sabi ng hykyoken hawak ang nagliliwanag na bagay sa kanyang mga galamay.

“Ngunit sa tagal ng panahon na nasa akin ito,parang ayoko nang ibigay pa ito,kaya kung malalagpasan nya ang aking lason at pipiliin sya ng akalat,saka ko lang ito ibibigay,yun ay kung makakalusot sya sa aking lason.
Sa akin na ang magandang bagay na ito.”sabi ng makasarili nang halimaw.

“Muka naman tahimik sa minahan na iyan,kung mamasdan ang lagusan,parang tahimik na pahingahan para sa akin.”sabi ni  punmar.

“siguro nga.ero pag pumasok kayo dyan ng walang proteksyon,tiyak na magiging pahingan nyo na yan habang buhay,kinakabahan parin ako punmar,hindi ko alam kung maililigtas kayo ng mga kasootan mula sa aking katas.
Marami na kaming pinagdaanan na kakaiba sa ilalim ng creohisya dungeon pero kinakabahan parin talaga ako para sa inyo.”sabi ni aslan.

“wag mo kaming maliitin,malalakas kami tulad ng isang dragon.hehehe.”biro ni punmar na nginitian naman ni aslan na para bang may ibig sabihin at nagpapakilala sa pagkatao ni punmar.

“dito ka lang,susubukan kong alamin kung gaano kalakas ang lason sa loob.”sabi ni aslan.

“Sandali dalin no to,mabuti nang may dala ka sakaling maging masalimuot ang iyong landas.”sabi ni punmar sabay hagis sa kanyang double blade dagger.

“hump?!.haha iba ka talaga magsalita,salamat.”sabi ni aslan matapos saluhin ang dagger.

Dahan dahan at maingat na bumaba si aslan sa bukana ng minahan.

Mula doon ay amoy na ng binata ang lason sa hangin kahit manipis pa ito,gayun din ang masang sang na amoy ng hykyokopen.

Nilanghap ng binta ang hangin upang makasagap ng sapat na lason at malasahan iyon sa kanyang lalamunan.

Doon tumimbre sa kanyang isipan ang level at ang skills ng bagong halimaw na kanilang haharapin.

Ramdam ng binata ang lakas ng hykyoken kayat sya ay kinilabutan.

Dahil higit na nakalalamang ito ng lakas sa ifrid ng tatlong beses.

“Delikado talaga ang lakad na to.logi lang talaga ang kailangan namin ,kailangan namin mag ingat ng triple,napakalakas na halimaw,kahit ang muton ay iiyak.”sabi ni aslan.

RPG universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon