Narating nila ang gate ng boss room level 100.
Sa gilid nito ay may sikretong lagusan na natatakpan ng mahika kayat hindi mapapansin.
Pinasok nila ang lagusan at sa loob nito ay may mataas na butas na may hagdanan.
Napakataas nito na hindi matatanaw ang hangganan dahil kulang sa mga maliliwanag na batong talisman.“Ano naman ito ngayon?baka mapagod tayo at mahulog. napakataas.”sabi ni shelly.
“kakailanganin natin ng lubid,para pag napagod kayo.gagamitin natin ang lubid para ipanali sa katawan natin sa hagdan.
Buti nalang at nakakuha ako ng lubid.manipis ito pero matibay”sabi ni petra.“ok ate.pag hatian nyo na ang lubid na yan.ako nang bahala sa sarili ko.tutal at may sapot ako.kaya kong umakyat kahit walang hagdan.”sabi ni aslan.
“sige.pero sinong mauunang umakyat?”sabi ni shelly.
“ako na ang huli,para makapaglagay ako ng sapot na sasalo sa inyo sakaling mahulog kayo.”sabi ni aslan.
“magandang ideya yang naisip mo,sige ako nang mauuna.”sabi ni petra.
“Ako na rin ang bahala kay doki.”sabi ni aslan.
“Ok ako naman ang susunod ate petra."sabi ni shelly.
“basta kapag napapagod na kayo,sabihan nyo ako para maigawan ko kayo ng matibay na sapot na pwede ninyong mapagpahingahan kung sakaling hindi nyo kakayanin ang magpahinga nang nakatali sa hagdan.”sabi ni aslan.
“Wow.pwede naman pala yun,igawan mo nalang kami ng sapot.papagurin mo pa kaming nakatali sa hagdan.”sabi ni shelly.
“Hindi lang naman kasi ako ang nagpapasya para sa ating lahat.mahalaga din ang mga sasabihin nyo.
Ayan ka nanaman eh.magagalit ka nanaman.”sabi ni aslan.Naguilty si shelly kayat agad itong yumakap kay aslan at inamo.
“sorry na baby ko,hindi naman ako nagagalit eh.sinasabi ko lang naman,sorry na.wala naman akong reklamo eh.
Halika na wag ka nang magtampo sakin.ganito lang naman ako di ba.”sabi ni shelly.“Ikaw naman kasi.palagi mo nalang pinag iisipan ng masama ang ginagawa ko.”sabi ni aslan.
“Pangako hindi na mauulit.halika na.”sabi ni shelly at nilambing si aslan.
“sige na umakyat ka na,susunod na ko,nakaakyat na si ate petra oh.”sabi ni aslan.
Bago umakyat ay hinalikan pa sa labi si aslan upang siguruhin na hindi na ito nagtatampo.
Isinapot ni aslan sa kanyang tagiliran si doki.Pagkatapos ay sumunod na sa pag akyat dala pa ang lahat ng kanilang bagahe.
Sa taas na 10 metro unang inilagay ni aslan ang sapot na pangsalo.
Sa ika 20 metro plang ng pag akyat ay nanghina na ang tuhod ni shelly.Habang si petra ay nanghihina narin ang tuhod sa ika 22 metro at nagpapahinga sa pagkapit sa hagdan.
“Aslan!!.nanginginig na ang mga tuhod ko,hindi ko na kaya.”sabi ni shelly.
“ako din aslan.hindi ko maitali ang sarili ko.natatakot na rin ako eh.”sabi ni petra.
“Teka sandali nandyan na ko.”sabi ni aslan.
Mabilis na inakyat ni aslan ang kinaroroonan ni shelly at petra para isapot sa hagdan upang hindi mahulog pansamantala.Ginawa nya ang ikalawang bahay na sapot upang gawing pahingahan ng dalawang babae.
“Dahan dahan lang,wag kang matakot hindi yan bibigay.nakakapit ng mabuti yan sa mga bato.
Ate saglit lang,ihihiga ko lang ng maayos si shelly,tapos kukunin na din Kita dyan.”sabi ni aslan.