Muling nagpatuloy ang magkasintahan sa paglalakbay sakay ng motorsiklo na ngayon ay trayk na at talagang puno ng mga pinamili ni shelly.
"Hehehe.kinulang pa yung side car natin.punong puno,ano bayang pinagbibili mo?"sabi ni aslan.
"Edi lahat ng magagamit natin sa paglalakbay.masyadong malayo pala ang pandoria.sabi mo parang apolonia lang.
Kahit pwersahin mo pa ang motorsiklo natin ay pinakamabilis na ang limang araw base sa kalkulasyon ko.pero imposible yun.hindi naman natin kabisado ang lupain na to.tignan mo parang nawawala na tayo."sabi ni shelly."Ahehe.talaga ba.bakit ganun ang nakalagay naman sa mapa oh?.mali yata itong mapa natin,di bale bumili nalng tayo ng bago yung masmaganda ang pagkakagawa.
Saan mo naman nalaman yan?"sabi ni aslan."Kahapon nakita ko doon sa cityhall nila.napadaan ako.ang laki laki ng mapa sa kisame.
Mapa ng sansinukoban ng mythomideia.(planet)"sabi ni aslan."kaya pala sigurado ka sa salita mo.
Nandyan na yan eh,edi tignan nalang natin kung anong magagawa natin"sabi ni aslan."oo naman.dito palang mula sa east gate ng mercuria kingdom 2 araw na ang byahe.palabas sa boundary ng migrations gate.
Tama ang heneral,laganap ang halimaw dito,umaahon sila sa mga dungeons.
kinakabahan na ako.matataas ang level ng mga halimaw dito."sabi ni shelly."Hahaha.ano ka ba.ngayon ka pa ba kakabahan,kaya natin yan.
Salakas ng kombinasyon natin.hindi nila tayo kaya.wahahaha"pagyayabang na sabi ni aslan upang palakasin ang loob ng kasintahan."hahaha.sira ka talaga.sige na nga.may.magagawa pa ba ko eh nandito na tayo."sabi ni shelly.
"isipin mo nalang na ginagawa natin ito para makatulong sa mga kababayan natin.para palayain sila sa kamay ng mahigpit na hari."sabi ni aslan.
Nagpatuloy sa pagbbyahe ang magkasintahan at hanggat makakaiwas sa mga gumagalang halimaw ay umiiwas ang mga ito.
Hanggang sa abutin na ng hapon kung saan natanaw din nila ang iba pang travelers at merchant na nagsisipag setup mg kanikanilang tent sa di kalayuan kung saan nagliliwanag ang mga gasera at apoy sa kalan.
"ayun tignan mo,doon na din tayo magpalipas ng gabi."sabi ni shelly.
"sige mukang aabutin pa natin,maaga pa naman."sabi ni aslan.
Mabilis na tinahak ni aslan ang direksyon ng mga manlalakbay at narating iyon bago tuluyang magtakip silim.
Mababait ang mga travelers na kadalasan nang may escort na adventurers para protektahan sila laban sa mga halimaw.
Kayat agad na sinalubong sina aslan ng mga adventurer upang alamin kung mabuti o kalaban sila.
"sandali!!.tumigil kayo!!saan kayo galing?anong kailangan nyo sa private caravan na ito?"sabi ni dario lucius ang leader ng adventurer party na inupahan para protektahan ang caravan..
"ah magandang gabi po,mga adventurer po kami galing sa mercurio at patungo sa pandoria.
Natanaw namin kayo sa malayo.kaya gusto lang sana namin makisali sa grupo kahit ngayong gabi lang para makaiwas sa mga halimaw.
Pagod na din kasi sa maghapon na byahe ang kasintahan ko."sabi ni aslan.Tinitigan na mabuti ng mga adventurer sila aslan at shelly.
"Ahm sige,pwede kayo doon sa gilid.paalala lang.mahigpit kami sa pagbabantay,ano mang pagkakamali na magawa ninyo ay mapipilitan kaming palayasin kayo."sabi ni dario.
"nauunawaan ko po."sabi ni aslan at agad na dinala ang motorsiklo sa gilid ng caravan at doon nagtayo ng tent na baon ni shelly.
"Ayus ah meron din pala tayo nito."sabi ni aslan.